^

PSN Palaro

JVC Open Badminton papalo ngayon

-
Magsisimula na ngayon ang 2003 JVC Open Badminton Championships sa Glorietta Activity Center sa Makati na magbibigay ng kapana-panabik na aksiyon hindi lamang sa mga pangunahing players ng bansa kundi pati na rin sa junior at senior ranks at sa corporate at celebrity world.

Ang kompetisyon sa senior division ay magsisimula ng isang linggong torneo na humakot ng record field na higit sa 500 players na nagpuwersa sa organizing IM na magdaos ng karagdagang tatlong araw na qualifying series para mapagbigyan ang malaking bilang ng partisipante.

Si dating First Lady at PBA (Philippine Badminton Association) president Ming Ramos, PBA vice-president Gen. Edgar Aglipay, Kazue Salud, general manager ng JVC Phils., Atty Faustino Salud at ang brother-sister tandem nina Kennevic at Kennie Asuncion ang dadalo sa opening ceremonies sa ganap na alas-11:30 ng umaga.

Ang pangunahing elite section para sa men’s at women’s ay magbibigay ng halagang P15,000 sa magwawagi at ang doubles champion naman ay tatanggap ng P15,000. Ang hostilidad ay magsisimula sa Huwebes sa finals at ang juniors at seniors naman ay nakatakda sa Sabado.

Para sa resulta, updates at iba pang detalye, mag-log sa jvcopen.com.

Ang biglang pagdami ng kalahok ay katunayan lamang sa biglang paglakas ng naturang sports sa bansa at sa kauna-unahang pagkakataon maglalagay ang organizers ng division para sa 14-and under aspirants na naglalayong makapagdiskubre ng mga bagong talento na mapipili, sasanayin at gawing future national players.

Ang isang araw na celebrity tournament naman na siyang magsasara ng isang linggong torneo ay nakatakda sa Agosto 31.

May special exhibition match din kung saan magpapakitang gilas ang dalawang pangunahing Indonesian player ng kanilang husay kontra sa mga pangunahing local players bilang bahagi ng JVC Tour na ipiniprisinta ng electronic giant na JVC sa ikatlong pagkakataon at suportado din ng IMG, Philippine Badminton Association, Pioneer Insurance, Gosen, Alaska Milk Corp., GenTxt, Tokyo Tokyo, Accel, Ayala Center, I-Ayala, Rudy Project, K-Lite 103.5 at The Philippine STAR.

vuukle comment

ALASKA MILK CORP

ATTY FAUSTINO SALUD

AYALA CENTER

EDGAR AGLIPAY

FIRST LADY

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

KAZUE SALUD

KENNIE ASUNCION

MING RAMOS

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with