Gregorio head coach na ng Purefoods
February 12, 2003 | 12:00am
Ipinahayag kahapon ng San Miguel Corporation na itinalaga nila si Ryan Gregorio bilang head coach ng Purefoods TJ Hotdogs sa pagbubukas ng 2003 PBA Season sa Pebrero 23, habang napili naman bilang director ng ilulunsad na SMC Countryside Basketball Program, si Eric Altamirano.
"First of all, I am very thankful to Mr. Ramon and Mr. Danding Co-juangco for the trust and confidence they have given me," paunang sambit ng 36 anyos na dating UP Maroon member at naging coach sapul pa noong 1997.
"I am also thankful for this opportunity to help provide jobs for ex-PBA players and help in the marketing program of San Miguel through basketball," ani Altamirano na isa sa naging assistant coach ni Jong Uichico sa Philippine Team na lumahok sa Busan Asian Games.
"Maybe its time for me to expand my horizon beyond coaching, thats why Im passing the baton to Ryan (Gregorio)" dagdag pa ni Altamirano na naging miyembro din ng 1986 RP National Team Seoul Asian Games.
Bagamat biglaan ang desisyon ng SMC management kung saan inihayag ang pagtatalaga ng bagong puwesto nina Gregorio at Altamirano sa practice ng Hotdogs sa Reyes gym kahapon.
"I have given the team a championship. I believe hes (Ryan) ready for the coaching job. Ive mentored him very well and Im confident he can continue the winning tradition of the team," pahayag ni Alta-mirano na unang nag-coach sa Purefoods noong 1997 bago lumipat sa Mobiline at nagbalik muli sa Purefoods noong 2001.
"Im still dazed," ang reaksiyon ni Gregorio sa kanyang appointment na humalili kay Altamirano.
"Although masaya ako sa aking appointment, masakit naman ang paghihiwalay na ito kay coach Eric na naging kasama ko sa loob ng walong taon.
Sa press statement na ipinadala ng SMC, sinabi nito na ilulunsad nila ang marketing program na magbibigay daan para mai-promote ang basketball.
Ang proyekto ay bubuuin ng dalawang team ng mga kilalang dating PBA players na magsasagawa ng basketball clinics at exhibition games kontra sa mga varsity clubs at selections sa mga pangu-nahing bayan at lungsod sa ating bansa.
"Its a new program which is actually still vague to me. But the concept is to provide jobs to those players who have become jobless and use them to promote the San Miguel products. Its like hitting two birds with one stone," ani Altamirano.
Si Altamirano ang mamalakad sa pag-oorganisa ng lahat ng kopo-nan na magbibiyahe sa Luzon areas habang ang isang grupo naman ay tutuon sa Visayas at Mindanao.
Nanawagan si Altamirano para sa tryouts at interviews sa mga dating PBA players na interesado sa naturang proyekto at maaaring maki-pag-ugnayan ang lahat sa SMCs Corporate Marketing unit sa San Miguel Head Office Complex sa Mandaluyong. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended