Ang 10th Samsung-PBA Press Corps Awards, co presented ng San Miguel Beer at Ginebra, ay gaganapin ngayong alas-7:00 ng gabi sa Tropics Room ng Bayview Park Hotel sa Roxas Blvd.
Inihatid ni Gregorio, ang tumayong interim coach ng Purefoods dahil ipinahiram si Eric Altamirano sa coaching staff ng RP Team para sa Asian Games, sa Governors Cup title na siyang unang interim coach na nakaga-wa nito.
Isang kaunahang achievement naman ang naisagawa ni Reyes nang kanyang bigyan ng titulo ang rookie team na Coca-Cola Tigers sa All Filipino Cup.
Paparangalan din ng Press Corps ang mga sumusunod: Red Bull team owner George Chua (Executive of the Year), Thunder strongman Da-vonn Harp (Defensive Player of the Year), ang sixth man ng Tigers na si Ato Morano (Mr. Quality Minutes), Hotdogs point guard Ronnie Magsanoc (Comeback Player of the Year) at game official Mario Montiel (Referee of the Year).
Ang dating PBA Commissioner na si Jun Bernardino ang panauhing pandangal habang ang bagong commissioner na si Noli Eala ang guest speaker.
Bibigyan naman ng citation si Elmer Yanga, Selecta team manager, at Cecilio Pedro, pangulo ng Lamoiyan Incorporated dahil sa kanilang pagsu-porta sa ibat ibang proyekto ng PBA Press Corps habang ang bete-anong opisyal na si Ernie de Leon ay itatalaga sa Hall of Fame matapos nitong mapanalunan ang Referee of the Year ng tatlong sunod na taon mula noong 1999-2001.