Xavier School bumangon para pabagsakin ang DLS-Zobel

Bumangon ang dating kampeon Xavier School mula sa 13-puntos na pagkakalubog sa halftime upang igupo ang De La Salle Zobel, 70-66 noong Linggo sa Milo BEST SBP/Passerelle basketball tournament sa Xavier courts.

Mula sa 11-24 deficit, makaraan ang dalawang quarters, umahon ang Stallions sa pagtutulungan nina Sia at W. Co upang iposte ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa passerelle division.

Dinuplika naman ng Xavier ang kanilang selebrasyon nang kanilang pasukuin ang Community of Learners, 61-20 sa SBP.

Show comments