^

PSN Palaro

Ana Freezers sinagpang ng Shark

-
Patuloy pa rin ang pagratsada ng defending champion Shark Energy Drinks nang kanilang hatakin ang 81-76 panalo kontra sa Ana Freezers sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBL Chairman’s Cup sa Pasig Sports Center kahapon.

Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Power Boosters matapos ang 0-4 puntos panimula sa kumperensiyang ito habang nalasap naman ng Freezer Kings ang kanilang ikaapat na pagkatalo sa siyam na pakikipaglaban.

Pinangunahan ni fil-Am Clarence Cole ng Shark sa paghakot ng 19 puntos na kinapalooban ng perpektong 9-of-9 field goal shooting bukod pa sa kanyang hinatak na tatlong rebounds.

Gayunpaman, sina Rolly Basilides at Rysal Castro ang kumana ng mahahalagang puntos sa huling maiinit na tagpo ng labanan upang maduplika ang kanilang naunang tagumpay kontra sa Ana sa kanilang unang paghaharap.

Katulong ni Cole sina Rysal Castro, Michael Bravo at Warren Ybañez sa opensa ng Shark sa kanilang naitalang 14, 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Buhat sa alanganing 62-56 kalamangan ng Power Boosters, gumana ang mga kamay nina Castro at Basilides upang pangunahan ang 8-3 produksiyon na nagselyo sa kanilang tagumpay.

Naapektuhan ang Ana sa maagang pagkawala ni Dondon Mendoza na nagtamo ng injury sa kaliwang bukung-bukong sa ikalawang quarter habang na-foul out naman si Robin Mendoza sa kaagahan ng fourth quarter.

Nabalewala ang pinaghirapang 14 at 13 puntos nina Ronald Pascual at James Laygo sa nilasap na kabiguan ng Freezer Kings.

vuukle comment

AM CLARENCE COLE

ANA FREEZERS

DONDON MENDOZA

FREEZER KINGS

JAMES LAYGO

MICHAEL BRAVO

PASIG SPORTS CENTER

POWER BOOSTERS

ROBIN MENDOZA

RYSAL CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with