^

PSN Palaro

Adducul handa nang sumabak sa PBA

-
Itinuturing na isa si Romel Adducul sa mga mahuhusay na malaking tao na nakatakda ng pumalaot sa Philippine Basketball Association sa pagbubukas ng kanilang 28th season sa Pebrero 10.

Si Adducul na nagla-laro para sa koponan ng Batangas Blades na nagkampeon sa MBA ang isa lamang sa 81 asprirante na nakatakdang sumali sa PBA Annual Draft sa Enero 13 sa Glorietta sa Makati.

Sa isang overseas telephone conversation ng kanyang manager na si Ed Ponceja, sinabi ng 6’6 na si Adducul na kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika na nakahanda siyang lumaro sa alinman mang kopo-nan sa PBA basta’t maipapakita niya ang kanyang kakayahan.

Ngunit inaasahan na si Adducul ay mapupunta sa koponan ng FedEx dahil sila ang may hawak ng first picks sa darating na draft.

"As a professional, you have to give a hundred percent to whichever team you play for, although with FedEx, it is a familiar environment. Sir Bert Lina (FedEx owner), is just like a father to me because he has supported the National team a countless times," pahayag ni Adducul sa pamamagitan ni Ponceja.

Tinatayang nakatakdang bumalik sa bansa si Adducul na binisita ang kanyang kapatid na si Edna sa Wisconsin noong nakaraang linggo at ang isa pang kapatid na babae na si Visie sa Arizona sa Jan. 4 eksaktong araw para sa muling pagbubukas ng tryouts ng National team sa Jan. 7.

Sinabi rin ni Ponceja na ang lahat ng naglabasang kakaharaping problema ni Adducul hinggil sa kanyang pagsali sa draft ay ibinasura ng lahat ng Metrostars owner Louie Chuidian at ABS-CBN’s Rollie Cruz.

"Romel has existing contract with the Metrostars but these two fine gentlemen acceded to his request of joining the draft. It could have been very complicated but they know Romel has to move on and we thank them for it," wika pa ni Ponceja.

Matatandaan na binili ng FedEx ang prangkisa ng Tanduay sa halagang P75 milyon, pero hinihiling nila na magbitbit ng limang manlalaro mula sa MBA patungo sa PBA na gaya ng ipinagkaloob nila sa Red Bull nang ito ay umentra sa liga dalawang taon na ang nakakaraan. Ngunit ang nasabing kahilingan ay tatalakayin pa lamang sa Jan. 3 ng PBA Board of Governors sa kanilang board meeting.

Ang iba pang potential first-rounders ay sina SEA Games RP team standouts Chito Victolero, Chris Clay, Omanzie Rodriguez at Junel Mendiola, St. Francis slotman Yancy de Ocampo at La Salle hot shot Ren Ren Ritualo at Chester Tolomia ng Shark.

Umabot sa 28 manlalaro ng MBA ang sumali sa draft na kinabibilangan nina Danny Capobres ng San Juan, Jerome Barbosa ng Laguna, Willie Mejia ng Cebu at Arnel Manalac ng Socsargen.

Kabilang sa mga manlalaro mula sa kolehiyo ay sina Leo Avenido ng FEU, Mike Cortez ng La Salle, Gilbert Malabanan ng UPHR at Edwin Bacani.

Pinayagan din sina Chris Clay at Jeffrey Flowers ng Laguna Lakers at iba pang Fil-Ams na umentra sa draft pool, ngunit maaari silang sibakin sa listahan kapag nabigong makapag-produce ng Department of Justice certification na nagpapa-tunay ng kani-kanilang Filipino citizenship bago ang draft.

vuukle comment

ADDUCUL

ARNEL MANALAC

BATANGAS BLADES

BOARD OF GOVERNORS

CHESTER TOLOMIA

CHITO VICTOLERO

CHRIS CLAY

JAN

LA SALLE

PONCEJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with