^

FedEx-RP Youth vs First Five sa Cong.Biazon Cup

() - December 30, 2001 - 12:00am
Nagtala ng impresibong panalo ang FedEx-RP Youth at First Five upang isaayos ang kanilang winner-take-all showdown para sa titulo ng 1st Cong. Ruffy Biazon Cup sa Poblacion Gym, Muntinlupa City.

Ginulantang ng mga batang manlalaro ni coach Johny Tam ang Giordano, 74-65, habang naungusan ng First Five ang San Beda-Toprite, 89-87 sa crossover semifinals upang makakuha ng slot sa one-game championship round ngayon.

Mula sa 57-58 kalamangan ng Giordano sa final na 2:20 minuto ng labanan, kumana si Mark Pingres ng anim na sunod na puntos upang pangunahan ang pag-atake ng Nationals tungo sa kanilang panalo.

Tumapos si Pingres ng walong puntos, ang lahat ay mula sa final na tatlong minuto, habang nagtala naman sina Elvis Tolentino at Archer Calacar ng tig-14 puntos para sa FedEx sa 12-araw cagefest na ito na sanctioned ng Basketball Association of the Philippines.

ARCHER CALACAR BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES ELVIS TOLENTINO FIRST FIVE GIORDANO JOHNY TAM MARK PINGRES MUNTINLUPA CITY POBLACION GYM RUFFY BIAZON CUP SAN BEDA-TOPRITE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with