Ang Archers na naghahangad ng kanilang ikaapat na sunod na korona at tsansang magantihan ang Blue Eagles na tumalo sa kanila noong 1988 championships.
" I have to give it to NU. It was a very good season for them but in the end, our experience in big games gave us this win," ani DLSU coach Franz Pumaren.
Sa iba pang laro, pinabagsak ng Adamson Lady Falcons ang FEU Lady Tamaraws, 53-45, upang makuha ang karapatang harapin ang UP Lady Maroons bukas sa Ateneo gym.
Pinayuko naman ng UST Cubs ang DLSU Bengals upang isaayos ang title rematch kontra sa defending champion Ateneo Blue Eaglets.