Danny Ildefonso, magbubukid na MVP
December 19, 2000 | 12:00am
May 11 kabahayan ang nakapaligid sa compound nina Danny Ildefonso kung saan siya lumaki sa Urdaneta, Pangasinan.
"Ganun lang kaliit yung pook namin," wika niya.
At noong Linggo ang mamang ginugol ang kanyang paglaki sa maliit na pook ay tumayo sa isang mataas na platform at maituturing na itong hinog at kaya na niyang tumayo sa kanyang sariling paa.
At noong Linggo rin ng gabi, hinirang ang sentro ng San Miguel Beer na Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association sa isang simpleng seremonya sa pagitan ng Game Four ng Governors Cup Finals.
Ang naturang karangalan ay perpekto para sa season na ito kung saan tinulungan ni Ildefonso ang San Miguel na dalawang ulit na makarating sa finals. Nakopo rin niya ang dalawang Best Player of the Conference awards, isang Finals MVP award, isang slot sa Mythical first team at ang huli ay ang pinakamimithi ng lahat ang MVP.
At mula sa pagiging small time, si Ildefonso ay patungo na sa pagiging bigtime.
"Parang ang bilis ng pangyayari," pahayag pa ni Ildefonso.
"Sinong mag-aakalang aabot ako dito. Kahit ako, hindi ko akalain. Biro n’yo, nung bata ako, nagtratrabaho lang ako sa bukid. Tapos ngayon, eto na. MVP na," masayang sabi pa niI ldefonso.
At ang lahat ng ito ay nakuha ni Ildefonso sa kanyang pagtitiyaga at wala ng iba pa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 8, 2026 - 12:00am