^

PSN Showbiz

Andrea, napagod sa Coachella

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andrea, napagod sa Coachella
Andrea Brillantes

Kamakailan ay ilang araw na nakadalo si Andrea Brillantes sa Coachella 2024 na ginanap sa Empire Polo Club sa Indio, California.

Isang masayang karanasan para sa aktres ang pagdalo sa naturang music festival sa Amerika. “Sobrang saya pero sobra po siyang nakakapagod. Kasi ‘yung music festival na kinasanayan ko rito sa ‘Pinas, parang 5 times bigger siya. Tapos sobrang daming tao. Ang dami kong nakitang artista, mga celebrities and influencers na nakikita ko lang sa phone ko. Super starstruck ako sa kanila. Ang babait ng mga tao, masaya siya, worth it siya,” nakangiting kwento ni Andrea.

Ilan sa mga nagtanghal sa Coachella 2024 ay sina Lana del Rey, Tyler, the Creator, Doja Cat, Sabrina Carpenter, No Doubt, Bebe Rexha, at Ludmilla.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na raw dumalo ni Andrea sa Coachella taun-taon.  “Kung may time ako, kung papayagan ako ng Star Magic gusto ko siyang gawing parang annual thing,” giit ng aktres.

Geneva at KC, nilantad ang rason kung ba’t naghiwalay

Noong Sabado ay naging panauhin sa It’s Showtime sina Geneva Cruz at KC Montero para sa segment nitong ‘EXpecially For You.’

Naibahagi ng dating mag-asawa kung ano ang naging problema ng kanilang relasyon noon.

Ayon kay Geneva ay ang singing career ang kanyang talagang pinili at binigyan ng panahon noon.  “Nagkaroon ng problema talaga. I started working here again. We lived in the States, he followed me and nagkaroon ng problem na no’ng physically nagkaroon ng distance. Of course, mahirap ‘yon and ako naman, a part of me wants to sing na parang hindi ko naiisip na, ‘Teka muna’ na parang, ‘Huy! Ano ka ba, pamilya na lang,’ ganyan. Pero ayun nga, sabi sa akin one time, we were born a singer, a performer, and it was the only thing that I knew what to do di ba,” pagbabahagi ni Geneva.

Nagtagal ng sampung taon ang relasyon ng dalawa.

Para naman kay KC ay naging dahilan din sa kanilang mga hindi pagkakaintindihan noon ang pagkakaroon ng LDR o long distance relationship. “She went back to the Philippines because ito ‘yung buhay niya. She’s born a singer, so she should shine as a star. So, at that time hiwalay kami. And I don’t know, the same goes, pero three months, six months maybe longer. At that time parang the feelings just kind of faded for me. And at the same time. I don’t know, parang it’s hard to communicate,” paglalahad ni KC.

Dalawampu’t walong taong gulang na ang anak nina Geneva at Paco Arespacochaga na si Heaven. Naging malapit sina KC at Heaven sa isa’t isa kaya sobrang naapektuhan ang anak nang magkahiwalay sina Geneva at KC noong 2010. “It broke Heaven. Siya ang affected talaga. Kasi stable ‘yung family, kasi mas naging close siya kay KC. Siya ‘yung nagpalaki kay Heaven. So, for many years, nag-iba siya,” pagtatapat ng singer.

“The hardest part was kay Heaven. Kasi ako I’ll be fine, ‘yung nanay niya will be fine. But si Heaven, at such a young age, he experienced so much with his father, Paco, with myself. So actually ngayon, I’m very proud where he is today. Kahit na we don’t talk a lot, the last time he was here I didn’t see him, and feeling ko may something there, that I’m sure he resents me somehow. We had our attempts but I think he’s a grown man now and he understands that I couldn’t be there after we were not together,” makahulugang pahayag ni KC. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with