Curry binuhat Warriors sa panalo sa Lakers

SAN FRANCISCO — Nagkadena si Stephen Curry ng 31 points, anim na assists at apat na rebounds at binura ng Golden State Warriors ang isang 25-point deficit para resbakan si Luka Doncic at ang Los Angeles Lakers, 112-95, sa isang NBA Cup game.
Humakot si Doncic ng 37 points, pitong rebounds at limang assists, ngunit bigo ang Lakers (4-2) na madalawahan ang Warriors (3-3) na tinalo nila sa season opener noong nakaraang linggo sa LA.
Sa fourth quarter inungusan ni Curry si Dominique Wilkins (26,668) para sa 18th place sa NBA all-time scoring list.
Nagdagdag si Brandin Podziemski ng 21 points para sa Golden State, habang may 16 at 11 markers sina De’Anthony Melton at Georges Niang, ayon sa pagkakasunod.
Umiskor si Doncic ng 21 points tampok ang limang three-pointers sa first quarter para sa 38-15 bentahe ng Los Angeles.
Ngunit kumamada ang Warriors ng 38 points sa second quarter at nilimitahan ang Lakers sa 15 markers patungo sa kanilang pagresbak.
Sa iba pang laro, panalo ang Denver Nuggets sa Phoenix Suns, 127-120; wagi ang Philadelphia 76ers sa New York Knicks, 98-93; nirapido ng Boston Celtics ang Chicago Bulls, 125-111; at sinunog ng Miami Heat ang Indiana Pacers, 145-125.
- Latest




















