^

PSN Palaro

Chery Tiggo tinapos ang suwerte ng PLDT

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chery Tiggo tinapos ang suwerte ng PLDT
Iniskoran ni Eya Laure ng Chery Tiggo si Majoy Baron ng PLDT.
PVL photo

MANILA, Philippines — Ipinoste ng Chery Tiggo ang pang-limang dikit na ratsada matapos pigilan ang PLDT Home Fibr, 25-22, 25-16, 25-20, sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Tinapos ng Crossovers ang five-game winning streak ng High Speed Hitters para palakasin ang tsansa sa semifinals.

“Iyong mindset namin talaga is to win every point muna, huwag mamadaliin, pagtrabahuhan muna,” sabi ni Eya Laure na umiskor ng 12 points mula sa siyam na attacks at tatlong blocks.

Nagkaroon ng four-way tie sa hanay ng Chery Tiggo, PLDT, nagdedepensang Creamline at Petro Gazz sa magkakatulad nilang 7-2 record sa ilalim ng lider na Choco Mucho (8-1).

Matapos ang pahirapang 25-22 panalo sa first set ay ganap na dinomina ng Crossovers ang se­cond at third sets tampok sina Eya Laure, Aby Maraño, Mylene Paat at Ara Galang.

Samantala, pinatibay ng Petro Gazz ang tsansa sa Final Four matapos walisin ang Cignal HD, 25-13, 25-18, 25-17, para sa kanilang ikatlong sunod na arangkada.

Nagbagsak si Jonah Sabete ng 16 points mula sa 13 attacks, dalawang blocks at isang service ace.

“Mas lumilinaw iyong daan papunta sa semis. Pero hindi pa rin naman tapos iyong eliminations, hindi pa rin kami puwedeng mag-relax,” dagdag ni Remy Palma na may walong puntos.

Lagapak ang HD Spi­kers sa ikalawang dikit na kabiguan para sa 5-4 baraha.

vuukle comment

PLDT

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with