^

Metro

Higit P1.6 milyong shabu nasamsam, bigtime drug pusher timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit P1.6 milyong shabu nasamsam, bigtime drug pusher timbog
Himas rehas sa QCPD-Project 6 Police Station (PS 15) si Ricardo Dominique Del Mundo, 21, residente ng Project 8, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasabat ng Quezon City Police District (QCPD)  ang nasa higit P1.6 milyong halaga ng shabu  kasabay ng pagkakaaresto sa isang bigtime drug pusher sa isinagawang buy-bust operation  sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Himas rehas sa  QCPD-Project 6 Police Station (PS 15) si  Ricardo Dominique Del Mundo, 21, residente ng  Project 8, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Sa report ni PLtCol. Richard Mepania, Station Commander ng  PS 15 kay  QCPD Director PBGen. Redrico Maranan, kasama ang  PDEA, RO-NCR,  isinagawa ang buy-bust operation nitong Biyernes dakong alas-10:30  ng gabi.

Sa mismong bahay ng  suspek isinagawa ang  buy-bust operation matapos na makatanggap ng impormasyon ang  pulisya  hinggil sa  illegal drug operation ng  suspek.

isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nakabili ng halagang P5,000 shabu mula kay Del Mundo na humantong sa pagkakaaresto nito.

Nakuha sa suspek ang nasa 240 gramo ng shabu  at buy-bust  money.

Nahaharap sa  kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang  suspek.

“Tuloy-tuloy po ang operasyon ng inyong kapulisan kontra iligal na droga dito sa ating Lungsod Quezon upang tuluyan ng matuldukan ito at mai­salba ang maraming buhay”, ani Maranan.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with