Gilas makikilatis sa Korea
MANILA, Philippines — Makikilatis ang bagong Gilas Pilipinas kontra sa South Korea national team bilang bahagi ng paghahanda nilang madepensahan ang trono sa 2026 Asian Games sa Achi at Nagoya, Japan.
Tumulak na pa-Seoul ang Gilas kahapon bago lumipat sa Suwon para harapin ang South Korea bukas at sa Sabado.
Mula sa South Korea, lilipad ang Nationals pa-Japan sa Linggo at doon ipagpapatuloy ang training camp para sa paglarga ng Asiad men’s basketball sa Setyembre 10 kontra sa Bahrain, Kazakhstan at China sa Group C.
Malaki ang nakaatang sa Gilas ngayon lalo’t bagong koponan ang ipapadala taliwas sa team na naghari noong 2023 sa Hangzhou, China upang mawakasan ang 61-taong gold medal drought at core na kasalukuyang naglalaro sa 2027 FIBA World Cup Asian Qualfiiers.
Bida sa Asiad team sina Robert Bolick ng NLEX, Zavier Lucero ng Magnolia, Sedrick Barefield ng Blackwater at Adrian Nocum ng Rain or Shine kasama sina Jerrick Ahanmisi at Don Trollano ng San Miguel, Brandon Bates ng Meralco, at Brandon Ganuelas-Rosser ng Talk ‘N Text.
- Latest






















