^

PSN Palaro

Pinoy tracksters wagi ng 3 ginto sa HK

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humakot ang national track and field team ng tatlong gintong medalya sa 2024 Hong Kong Athletics Championships na ginanap sa Tsueng Kwan O Sports Ground sa Hong Kong.

Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si SEA  Games champion at Tokyo Olympics veteran Kristina Knott na sumiguro ng ginto sa kanyang paboritong event.

Nagrehistro si Knott ng impresibong 11.52 segundo para masungkit ang u­nang puwesto sa women’s open 100m class.

Pinataob ni Knott sina Hong Kong bets Pui Kei Chan at Tsz Yuen Luo na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Nagsumite si Pui Kei ng 11.82 segundo habang may 11.86 segundo naman si Tsz Yuen.

Nagparamdam din ng lakas sina Lauren Hoffman at Hussein Lorana na namayagpag sa kani-kanyang kategorya.

Pinagreynahan ni Hoffman ang women’s open 400m hurdles kung saan inilagak nito ang bilis na 57.15 segundo para masiguro ang ginto,

Nasiguro ni Robyn Brown ang 1-2 finish para sa Pilipinas nang angkinin nito ang pilak na medalya sa kanyang naitalang oras na 57.59 segundo.

Pumangatlo si Ying Wen Ashleigh Ma ng Hong Kong na may 1:04.02.

Sa kabilang banda, namayagpag si Lorana sa men’s open 800m event kung saan naglista ito ng 1:52.11 para talunin ang 17 pang ibang atletang kalahok sa naturang dibisyon.

Sumiguro naman si Janry Ubas ng tanso nang lumundag ito ng 7.61m sa men’s long jump.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with