Hulyo idineklarang ‘Philippine Agriculturist’ month
MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang buwan ng Hulyo kada taon bilang ‘Philippine Agriculturist’ month bilang pagkilala sa dedikasyon ng mga magsasaka at pagbibigay kamalayan sa sektor ng agrikultura.
“The celebration of the Philippine Agriculturists’ Month will engage professional agriculturists in agricultural advocacy, policy research and formulation and provide an avenue for enterprise-building, communications training, and community development,” nakasaad sa Proclamation No. 544, na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Mayo 10.
Pagbibigay din ito ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura na magpapalakas sa ‘nationwide agricultural productivity at competitiveness’.
Nakasaad sa proklamasyon na ang Manila School of Agriculture na naitatag noong Hulyo 1989 ay magbibigay ng theoretical at practical education sa mga skilled farmers at overseers.
Itataguyod din nito ang agricultural development sa bansa sa pamamagitan ng observation, experiment at investigation tungo sa mas malalim na awareness at understanding sa Philippine agriculture.
- Latest