Breeder of quality US fullblood Boer Goats...
HBR Jacob Goat Farm
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang payak na buhay na tinatahak sa pag-aalaga ng kambing ng isang engineer at professor na taga-Batangas.
Ang aking tinutukoy ay si Hipolito Revadulla Jr., Farm Ma-nager ng HBR Jacob Goat Farm sa Bauan, Batangas.
Ayon kay JR, nagsimula lamang sila sa 15 kambing na noong una ay liba-
ngan lang at personal na consumption, pero ngayon ay isa nang malaki at maunlad na negosyo.
Iniwan ni JR ang kanyang pagtuturo bilang engineer at professor ng Bata-
ngas State University at nag-full time farmer para personal na pangasiwaan ang business na itinayo ng kanyang butihin ama.
“Dito ako dinala ng Panginoon, dito ako masaya dahil nalilibang ako at the same time ay kumikita rin,” ani JR.
Pawang mga de-kalidad na iba’t ibang breeder ng US Fullblood Boer Goat o kambing ang mga alaga ni JR.
Malinis, maaliwalas at organisado ang pag-aalaga ng kambing ni JR, kaya naman maamo at mababait ang kanyang mga alaga.
Mula sa 15 piraso ng kambing ngayon ay nasa 160 na ay may kanya-kanyang building.
Nakahiwalay din ang mga ginagatasang kambing sa HBR Jacob Goat Farm na kung tawagin ay Saanen Breed, na ang produce na gatas ay masarap at masustansiya, pangalawa sa gatas ng ating mga ina.
“Dito sa amin ay hindi namin problema ang pagkain ng aming mga kam-
bing dahil nagtatanim kami ng mais para gawing corn silage at indigofera na isang uri ng halaman na mayaman sa nutrients dahil ito ay legumes,” sabi pa ni JR.
Sa mga gustong bumili ng quality US fullblood boer goats ay i-text lang po ninyo si JR, huwag po tawag ah sa 0926-660-60-05 at magpadala ng mensahe sa kanilang Face Book na HBR Jacob Goat Farm.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pama-
magitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subs-cribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamama-
gitan ng organikong pamamaraan.
Ngayong Linggo, July 19, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay JR sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Noong June 7, 2026 ay ginawaran bilang Lifetime Achievement Award Innovation and Advocacy in Sustainable Agriculture and Urban Gardening ng Da-
ngal ng Lahing Pilipino ang Magsasakang Reporter na ginanap sa Lime Resort and Hotel sa Pasay City.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag ah, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest

















