^

PSN Opinyon

Nasaan ang katarungan?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAKAPANGYARIHAN pa ba ang batas sa ating bansa? Naitanong ko ito, kasi maraming kriminal ang hindi pa nasu­sukol at hindi pa naipapataw ang batas. Katulad na lamang ng kaso ng 34 missing sabungeros na hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang mastermind sa pagkawala ng mga ito.

Maaring mapera ang nasa likod sa pagkawala ng mga sabungeros. Kung pangkaraniwang tao ang nasa likod nito ay baka nakakulong na.

Marami ang nagtataka kung bakit nakapagpiyansa ang anim na sekyu na sangkot umano sa pagkawala ng 34 sabu­ngeros. At ang nakagugulat, P3 milyon ang piyansa bawat isa. Saan kaya kumuha ng pampiyansa ang mga sekyu?

Isa pang halimbawa ay ang kaso ni dating Negros Oriental Rep. Arnie Tevez na isinasangkot sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at walong supporters nito. Nahuli na si Tevez at nasa East Timor. Naglalaro ito ng golf nang mahuli ng East Timor police. Hindi pa alam kung kailan siya dadalhin sa Pilipinas.

Malaking insulto ito dahil nagawa pang mag-golf ni Tevez habang panay naman ang panawagan ng mambabatas at ng Department of Justice. Mabuti at naaresto ng East Timor police si Teves. Kaya lang marami pang dokumentong aayusin ang DOJ para maibalik sa Pinas si Tevez. Samantala, hihingi pa raw ng saklolo sa U.N. ang kampo ni Tevez. Totoo kaya ito?

Sana maging madali na ang paghahanap sa hustisya ng mga naulila ng biktima. Sana maisilbi na ang katarugan na matagal na rin nilang inaasam.

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with