^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Drug recycling patuloy pa rin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Drug recycling patuloy pa rin

Nakapasok na umano sa bansa ang South American drug syndicates ayon sa Philippine National Police (PNP). Ang pagkakasabat sa 20 bloke ng heroine sa Eastern Samar noong nakaraang linggo ang matibay na basehan na nasa bansa na ang foreign drug syndicate. Ayon sa PNP ang pagkakadiskubre sa cocaine sa Samar ang pangatlong major cocaine recovery mula pa 2009. Ginagamit umano ng mga sindikato ang Pilipinas na transhipment point ng illegal na droga.

Maaaring may katotohanan ang PNP na nasa bansa na ang South American drug syndicate sapagkat cocaine ang pangunahin nilang ipinapasok sa bansa. Sa mga nakaraan, pawang mga dayuhan ang nasasabat sa NAIA at nakukunan ng cocaine sa bagahe. May pagkakataon pa na nilulunok ng traffickers ang dalang droga para hindi mahuli.

Kailangang malambat ng PNP at PDEA ang sindikato upang hindi na makapagkalat pa at makasira ng buhay lalo ang kabataan. Maraming kinabukasan ang mawawasak kapag hindi nadakma ang drug syndicate.

Isang paraan naman para maiwasan na ang drug recycling na ginagawa ng mga corrupt drug ­enforcers ay ang agarang pagsira sa mga nakukumpiska. Halimbawa, ang 20 bloke ng cocaine na nakumpiska ay sunugin na agad para hindi na manakaw ng mga corrupt na drug agent ng PNP at PDEA.

Maraming nakukumpiskang droga at kung hindi agad sisirain ang mga ito, maaaring maibalik sa kalye.

Sa report ng PDEA, nakakumpiska sila ng 7,419,24 kilos ng shabu, marijuana at cocaine at 54,013 piraso ng ecstasy na nagkakahalaga ng P31 bilyon mula pa noong 2022. Ang nakapagtataka lang, sa dami nang nakumpiska bakit hanggang ngayon patuloy pa rin ang paglaganap ng droga. Paikut-ikot na lang ba ito? Ang nakumpiska ay nire-recycle? Noong 2022, isang opisyal at tauhan ng PDEA-NCR ang nahuli sa buy-bust operation dahil sa pag-recyle ng shabu. Nangyari ang pag-aresto sa mismong opisina sa Taguig.

Ang nakumpiskang 990 kilos ng shabu sa dating pulis na si Rodolfo Mayo noong Oktubre 2021 na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon ay recycle din umano. Naipon mula sa operasyon ng PDEG. Pinaghahati-hatian ng mga miyembro ng PDEG. Ang pangyayari ang naging dahilan kaya binuwag ang PDEG at kinasuhan ang mga pinuno at tauhan nito.

Para hindi ma-recycle ang droga na nakukumpiska, sunugin agad ang mga ito. Hindi na dapat iniingatan ang mga nakumpiska sapagkat tinatakaw lamang ang mga corrupt na drug enforcers. Sirain kara-karaka, para matapos na ang pagkalat ng droga.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with