^

PSN Opinyon

Corruption sa NFA

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAPAPANAHON na para walisin sa puwesto ang mga korap na opisyal sa National Food Authority (NFA). Nabuking ang sindikato sa NFA hinggil sa binibiling bigas ng pamahalaan na pampuno sa kakulangan ng bansa. Sa kabila ng libu-libong metriko ng bigas ang inaangkat sa Vietman, kataka-takang hindi bumababa ang presyo ng bigas sa pamilihan. May sindikato sa pagbebenta ng NFA rice sa mga tusong negosyante na pinalalabas na malapit nang masira sa mga bodega.

Ang idinadahilan ng mga korap sa NFA, mas malaki pa raw ang gagastusin kong ire-remill ang bigas na malapit nang masira at kung maibebenta naman sa pribadong traders ay ibaba na lang ang presyo sa 10 porsiyento sa orihinal na presyo. Kaya limpak-limpak ang naibubulsa ng mga korap sa NFA na dapat kalusin ni Agriculture Sec. Franciso Tiu Laurel. Hagupitin mo Secretary ang sindikato sa NFA upang hindi pamarisan.

Habang nariyan sa NFA ang mga korap, maraming Pinoy ang mahihirapan samantalang sila ay bundat sa kabusugan. Sa ngayon hindi pa pinapangalanan ang mga korap na opisyal sa NFA. Sana pangalanan na ito ni Secretary Laurel para naman malaman ng mamamayan ang mga taong nagpapahirap sa bansa.

Dapat din namang ipursigi ng Senado ang pag-iim­bestiga sa nangyayaring rice scam sa NFA. Kailangang matuldukan na ang katakawan ng mga NFA officials.

vuukle comment

NFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with