^

PSN Opinyon

Kailangan, firetruck sa mga barangay

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Kahapon nagsagawa ng caravan ang Bureau of Fire and Protection (BFP) upang ipaalala sa publiko na simula na ng Fire Prevention Month. Pinag-iingat ang mamamayan sa sunog lalo pa’t nananalasa ang El Niño. Kailangang maging handa ang lahat upang maiwasan ang sunog. Sabi nga, manakawan ka na, huwag lamang masunugan sapagkat abo na lamang ang matitira sa iyo.

Kaya mag-ingat sana ang lahat. Sa mga naninigarilyo­, huwag kayong tapon nang tapon ng upos sa kung saan-saan at baka ang mahagisan ninyo ay mga tuyong dahon o damo. Delikado. Huwag din kayong magsisiga sa malapit sa bahay. Kahit nasa kabundukan huwag din kayong magsisiga sapagkat baka magkaroon ng forest fire. Kamakailan lang may nangyaring forest fire sa Benguet.

Mahalaga namang magkaroon ng fire truck sa bawat barangay. Kailangan ang firetruck sapagkat marami sa mga bahay sa barangay ay gawa sa light materials na madaling masunog. May mga bahay na yari sa nepa o sawali na madaling lamunin ng apoy. Mayroon din naman na ang bubong ay kogon o pawid na madaling magliyab.

Marami sa mga lalawigan sa Western Visayas ang kulang na kulang sa mga fire truck. At ito ang dapat pagtuunan ng pansin ni DILG Secretary Benhur Abalos. Sana pagkalooban ng firetruck ang bawat barangay. At sana rin hindi naman mga pupugak-pugak ang ipagkaloob na firetruck. Baka bigyan nga ng firetruck e madali namang masira kaya balewala rin. Baka hindi rin makaresponde sa sunog.

Sana magkaroon ng katuparan ang kahilingang firetruck sa bawat barangay lalo ngayong nananalasa ang El Niño sa bansa. Kawawa naman ang mamamayan na mabibiktima ng sunog.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with