^

PSN Opinyon

Tulungan, sugarcane planters sa Negros

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nagkabitak-bitak na ang lupang sakahan sa ilang lalawigan dahil sa El Niño. Tiyak malaking pinsala sa agrikultura. Kawawa ang ipinag-utos na ni President Marcos Jr. na apu­rahin ng National Irrigation Administration (NIA) ang patubig sa mga sakahan sa Luzon upang maibsan ang kakapusan ng pagpatubig sa mga sakahan. Siniguro rin ni BBM na hindi kakapusin ng bigas ang bansa matapos makum­binsi ang Vietnam government na suplayan tayo ng bigas.

Maraming umalma sa pag-import ng bigas. Pero katwiran ng pamahalaan, dapat mag-import ng bigas bilang pampuno sa kakapusan ng produksiyon ng bansa dahil sa El Niño.

Hinihiling naman ng sugarcane planters sa La Carlota, Negros Occidental sa pamahalaan na tulungan sila sa­pagkat apektado na ang kanilang pananim na sugar cane. Naninilaw na umano ang mga dahon ng kanilang sugar­ cane dahil sa kakapusan sa ulan. Ayon sa kanila, kung walang aksiyon ang pamahalaan, tiyak maaapek­tuhan ang produksyon ng asukal sa bansa. Hinihiling ng sugarcane planters na magsagawa ng cloud seeding sa kanilang lalawigan.

Kung sa mga magsasaka ng palay ay nagagawang magpahukay para sa deepwell para matubigan ang mga linang, bakit hindi sa taniman ng sugarcane sa La Carlota. Hindi naman kaila na ang rehiyon ng Negros ang may pina­kamalawak na taniman ng sugarcane na pinagkukunan ng asukal sa bansa. Malaking bagay na magsagawa­ ng cloud seeding at maghukay para sa deepwell sa Negros­ para matubigan ang mga sugarcane. Tulungan ang sugar­­cane planters.

vuukle comment

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with