^

PSN Opinyon

Bomb threat, hindi Maganda

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Mukhang itinapat ng Hapones na si Takahiro Karasawa ang kaguluhan sa Senado at Kongreso ng sabay-sabay siyang magpakalat ng bomb threat sa mga sangay ng pamahalaan at maging sa mga eskuwelahan. Natural na marami ang natakot dahil ang akala nila, magkakaroon nang pag-agaw sa kapangyarihan o pagpapatalsik sa nakaupo.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) panloloko lamang ito ng Hapones na si Karasawa. Nagbabala ang PNP sa mga nagnanais pang manloko na aarestuhin at ikukulong at pagmumultahin ng P40,000. Hindi raw makakawala sa kamay ng batas ang mga magpapakalat ng ganitong banta sa seguridad.

Nagsimula ang pagbabangayan ng mga mambabatas matapos kumalat ang pagpapapirma para isulong ang People’s Initiatives (PI). Tinukoy ni Senator Imee Marcos ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez na nasa likod ng PI. Todo tanggi naman si Romualdez sa akusasyon ng kanyang pinsan.

Uminit din ang ulo ni dating President Digong Duterte hinggil sa hinala nito na pinayagan na ang administrasyong Marcos ang pagpasok ng mga miyembro ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa pagkamatay ng mga hinihinalang sangkot sa droga.

Kasabay nito ay inakusahaan naman niya si President Marcos na gumagamit ng droga at tinawag niyang addict. Hindi pa riyan natapos ang pag-init ng ulo ni Duterte at lantaran niyang iminungkahi na ihiwalay na ang Mindanao sa Pilipinas.

Kaya ang sambayanan ay nakatutok sa galaw ng mga sundalo at pulis sa takot na maulit na naman ang pag-agaw sa kapangyarihan. Kaya nang kumalat ang bomb threat ay agad na kumilos ang mga awtoridad para alamin kung ano ang motibo ng Hapones at nananakot ito.

Palagay ko, itinaon talaga ng Hapones ang pagpapakalat ng bomb threat habang nagbabanggaan ang mga mambabatas at pati na rin ang pagpapahayag ni Duterte na ihihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Hindi maganda ang nangyayring ito. Maraming matatakot na foreign investors. Hindi sila mag-iimpok sa bansa kung ganito ang senaryo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with