^

PSN Opinyon

EDITORYAL - NIA, kilos na, El Niño ratsada na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - NIA, kilos na, El Niño ratsada na

Abril pa ang sinasabing pagtama ng El Niño sa bansa, ayon sa weather experts pero mukhang mali ang pagtataya sapagkat ngayon pa lamang ay nadarama na ang bangis ng weather phenomenon. Marami nang lupang sakahan ang natutuyo at hindi na puwedeng pakinabangan ang mga nakatanim na palay. Bitak-bitak na ang lupa dahil sa tindi ng init.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), umabot na sa P151.3 milyon ang pinsala sa agrikultura sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula. Apektado ang kabuhayan ng 3,923 magsasaka sa mga nasabing lugar. Hindi malaman ng mga magsasaka kung paano malalampasan ang dinulot ng El Niño.

Inireport naman ng Office of Civil Defense (OCD) na walong probinsiya sa Luzon ang nakararanas ng tagtuyot dahil sa kawalan ng ulan. Nagkakabitak-bitak na umano ang lupa sa mga palayan. Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, ang mga probinsya na nakararanas ng tagtuyot ay ang Apayao, Bataan, Cagayan, Cavite, Ilocos Norte, Kalinga at Zambales. Pati sa Palawan ay nararamdaman na umano ang bangis ng El Niño.

Habang marami na ang mga palayang natutuyo, patuloy naman ang pagbaba ng water level ng mga dam sa Luzon. Halos araw-araw ay nababawasan ang tubig sa siyam na dams: Angat at Ipo sa Bulacan; Ambuklao at Binga sa Benguet; Pantabangan sa Nueva Ecija; Magat sa Isabela; San Roque sa Pangasinan; La Mesa sa Quezon City at Caliraya sa Laguna.

Noong nakaraang taon, nagbabala ang National Water Resources Board (NWRB) sa mamamayan na magtipid sa paggamit ng tubig dahil sa kakaharaping tagtuyot dulot ng El Niño. Payo ni National NWRB Executive Director Sevillo David sa mamamayan na huwag mag-aksaya at i-recyle ang tubig. Dapat tumulong ang publiko o consumers sa water management.

Hinikayat naman ng MWSS ang Metro Manila Mayors na magpasa ng ordinance na naghihigpit sa paggamit ng tubig sa golf courses, car wash at swimming pools. Kailangang limitahan ang mga negosyong gumagamit nang maraming tubig.

Habang marami ang gumagawa ng paghahanda, kataka-taka namang walang nakikitang pagkilos sa National Irrigation Administration (NIA) na dapat manguna sa paghanap ng solusyong kung paano matutubigan at maisalba sa pagkatuyo ang mga palayan.

Ayon sa mga magsasakang apektado ng tagtuyot, walang inilalagay na mga bomba ng tubig sa palayan ang NIA. Kailan daw kaya mag-i-install ng mga bomba na hihigop ng tubig para matubigan ang mga nauuhaw na palayan at iba pang taniman. Hihintayin pa raw ba ang rurok ng El Niño bago maglagay ng mga bomba para sa patubig.

vuukle comment

DA

OCD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with