^

PSN Opinyon

Gumaganti lamang si Lascañas

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SINABI ng dating pulis na si Arturo Lascañas na si dating­ President Rodrigo Duterte at Vice Presidant Sara Duterte ang utak ng libong pagkamatay ng mga isinasangkot sa droga.

Palagay ko sumasakay lamang sa isyu si Lascañas upang makaganti sa dating amo nito na si Digong. Sa dinami-rami kasi ng kanyang nalalaman hinggil sa ope­rasyon ng droga ni Digong noon ay wala man lang siyang naisiwalat na pruweba na ang may kagagawan nga ay ang mag-amang Duterte.

Sabi ni Lascañas, lahat nang krimen sa kampanya laban sa droga noon ay pinag-utos ni Digong, Sara at Sen. Bato dela Rosa. Gustong gibain ni Lascañas ang pa­milya ni Digong. Ramdam ko naman, gumigimik lamang si Las­cañas upang mapansin ng mga pulitiko at magkaroon ng proteksiyon.

Ang tampuhan ng pamilyang Duterte at PBBM ay nag-ugat lamang sa napipintong pagpasok ng mga mi­yem­bro na International Criminal Court (ICC) Investigator hinggil sa libu-libong nangamatay sa kampanya kontra droga noong panahon ni Digong.

Idagdag pa rito ang pirma sa Peoples Iniative upang am­yendahan­ ang 1987 Constitution. Hinala ng mga senador na nagsisimula nang pumorma si House Speaker Martin Romualdez para sa 2028 election para sa pagka-presidente. Iyan ang hindi nagustuhan ng mga senador kaya umaalma sila.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with