^

PSN Opinyon

Karahasan

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ISA sa ating mga bagong batas ngayon ay ang Republic Act 9262 o ang karahasan sa mga babae at mga bata. Ito ay isina-batas dahil ang mga babae at bata ay tinuturing na higit na mabibiktima ng karahasan dahil sila ay mas mahina.

Kaso ito ni Eddie at Minda na mag-asawa ng 33 taon at may tatlong anak. Noong mag-asawa na sila, si Eddie ay ginugulo, pinagagalitan, hinahamak at tinatakot si Minda at kanilang mga anak at nagpapadala pa ng text messages sa mga kamag-anak at kaibigan na nagpahamak kina Minda.

Kaya nagsampa na ng Petisyon si Minda sa RTC upang protektahan at pangalagaan sila laban kay Eddie at pigilan siya sa kanyang mga ginagawa sa kanila.

Kahit na tinanggihan ni Eddie ang reklamo nagpasiya ang Korte pabor kay Minda na pinipigilan si Eddie na takutin sila at gumawa ng anu mang marahas na aksiyon laban sa kanila at palayasin, iwanan na niya sila Minda.

Kinumpirma ito ng Court of Appeals (CA). Kaya umapela si Eddie sa Supreme Court (SC). Sinabi niya na ang kanilang mga anak ay may gulang na (adult) at hindi na mga bata kaya hindi na sila sakop ng nasabing batas dahil kaya na nilang ipagtanggol ang sarili.

Ngunit kinumpirma pa rin ng SC ang desisiyon ng CA. Ayon sa SC, hindi binubukod ng batas ang mga bata dahil sa kanilang edad. Ayon sa batas ang miyembro ng pamilya ay ang mag-asawa, magulang, mga anak at apo at mga lolo at lola, mga kapatid na lalaki at babae kahit magkasama sa isang bahay o hindi. Kaya kahit na ang mga bata ay nasa edad na, pinoprotektahan pa rin sila ng batas. Ang Korte ang magsasabi kung sinong miyembro­ ng pamilya ang dapat proteksiyunan.

Kaya ang desisyon ng CA ay tama, at si Eddie ay kaila­ngan ding turuan ng eksperto ng pagpigil sa kanyang galit (Estacio vs. Estacio, G.R. 211851, September 16, 2020.)

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with