^

PSN Opinyon

2 awards, nasungkit ng Makati at iba pang mga kaganapan

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG karagdagang award ang tinanggap ng Makati nitong mga nakaraang araw. Habang wala ako ay sina Vice Mayor Monique Lagdameo at ang aking mister na si Con­gressman Luis Campos ang tumanggap ng “Pioneer in Digital Financial Adoption Award” sa ginanap na Globe Digital Excellence Awards noong December 6, 2023 sa Manila Peninsula. Ang parangal na ito ay ibinibigay sa mga institusyong nakipag-partner sa Globe nang mahigit limang taon.

Samantala, hinirang naman na Top 1 LGU sa NCR at isa sa Top 5 LGUs sa Pilipinas ang Makati sa 23rd Gawad KALASAG National Awarding Ceremony sa The Manila Hotel noong December 11. Nakakuha ang lungsod ng “Beyond Compliant” rating na ang ibig sabihin ay nahigitan pa natin ang standards at guidelines ng Depart­ment of the Interior and Local Government (DILG) at National Di­saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa Disaster Risk Reduction Management at Humanitarian Assistance services.

Dumalo sa awarding ceremony sina DRRM Head Richard Raymund Rodriguez, City DRRM Research and Planning Head Liza Velle Ramos, DILG Secretary Benjamin C. Abalos Jr., Undersecretary Ariel Napomuceno, at NDRRMC Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Samantala, binigyang pugay ng pamahalaang lungsod ang ating mga guro sa Gawad Katapatan na ginanap noong December 11 sa Makati Coliseum. Pinarangalan ko kasama sina Vice Mayor Monique Lagdameo, Cong. Luis Campos at Cong. Kid Peña ang 391 loyalty awardees at 84 retirees na mga guro at kawani ng DepEd-Makati.

Kasama rito ang mga taga-EMBO schools. Ang mga awardee ay nakatanggap ng cash incentive, bronze pin, silver ring, gold medallion at DepEd-Makati customized watch depende sa haba ng kanilang pagseserbisyo.

* * *

Hindi talaga magpapatalo ang Makati pagdating sa paghahatid ng social services!

Noong December 13 ay nagpamigay ng mga halamang kontra-lamok ang Makati Health Department (MHD), sa tulong ng Department of Environmental Services (DES), sa mga residente ng Barangay Pio del Pilar.

Layunin ng programa na maiwasan ang pagdami ng lamok sa komunidad na maaaring maging sanhi ng dengue at iba pang sakit. Ang mga halamang tulad ng Citronella, Oregano, Lantana, at Lemongrass ay may natural na properties na inaayawan ng mga lamok.

Bukod sa pag-aalaga ng mga nasabing halaman, hinihikayat pa rin ang mga komunidad na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran para hindi pamahayan ng lamok.

Samantala, May kabuuang 28 #ProudMakatizens ang nakatanggap ng food cart negosyo packages sa ilalim ng proyekto ng Makati Public Employment Service Office (PESO), Department of Labor and Employment (DOLE), at Senator Loren Legarda. Ang mga nakatanggap ng food cart negosyo package ay dumaan sa selection process ng Makati Action Center.

* * *

Tinanggap din ng Makati ang 30 handheld ticketing devices mula kay Metro Manila Development Authority Chairman Atty. Romando Artes sa City Hall.

Ito ang mga device na gagamitin para sa nalalapit na implementasyon ng  single-ticketing system sa buong Metro Manila.

Dumalo sa turnover sina Atty. Noreen San Luis-Lutey, Regional Director ngLTO, Assistant Secretary Angelo Vargas, MMDA Assistant General Manager for Operations, Director Milagros Silvestre, MMDA MIS Director, at OM-ICTO Head Dave Ramos.

Ang lahat ng mga kaganapang ito ay patunay na walang pinipiling araw at oras ang aming paghahatid ng taos-pusing serbisyo sa inyo, mahal naming Makatizens.

vuukle comment

AWARDS

DILG

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with