^

PSN Opinyon

Walang bias sa simula pa

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mga prinsipiyo ng Saligang Batas ay ang “due process of law” o sapat na pamamaraan ng batas. Ito ang ginamit sa kaso ni Jerry.

Bumili si Jerry sa Department of Agrarian Reform (DAR) ng lupang may sukat na 24,961 square meters noong 1987, at ito’y napatituluhan na niya sa kanyang pangalan. Pagkaraan ng 23 taon nakatanggap siya ng kautusan mula sa RTC na pinakakansela ang kanyang titulo dahil ito raw ay bahagi ng lupang pampubliko at di maaring maging pribadong ari-arian. Kaya nag “file” si Jerry ng mosyon sa RTC na di-isama ang kanyang lupa doon sa utos ng RTC dahil ito ay nabili niya sa DAR. Ngunit ito ay hindi ginawad ng RTC dahil wala raw siyang sapat na ebidensiyang naprisinta. Kinumpirma ito ng Court of Appeals (CA).

Kaya nag petisyon si Jerry sa Korte Suprema at sinabi niyang mali ang CA dahil hindi naman daw siya partido sa kasong pinabalik ng RTC ang lupa dahil ito ay pampublikong lupa na hindi puwedeng isalin sa pribadong tao.

Pero hindi parin ginawad ng Korte Suprema (SC) ang petisyon ni Jerry. Ayon sa SC, talagang walang bisa ang titulo ni Jerry sa simula’t simula pa kaya ito ay hindi naging legal.

Kailanman ang walang bisang titulo ay talagang ­maibabalik pa sa gobyerno kahit na ang orihinal nito ay base sa isang patentado na kansela rin.

Dito sa kaso na pruweba sa RTC at CA na ang nasabing lupa ay nanggaling sa isang malaking lupa na hindi parte ng isang hacienda. Bukod dito pinal ang nasabing desisyon ng RTC tungkol sa pagbabalik ng lupa sa gobyerno.

Ang mali ng DAR sa pagtinda ng lupa kay Jerry ay di puwedeng gamitin laban sa gobyerno dahil ang pagpapatitulo ng hacienda ay talagang sobra ng dalawang hektarya at di nagbigay ng ano mang may karapatan sa hacienda (Belizario vs. Department of Environment and Natural Resources etc., G.R. 231001, March 24, 2021.

vuukle comment

LAW

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with