^

PSN Opinyon

Naisahan o kapabayaan?!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Hindi pangkaraniwan ang sumbong ng isang ginang na inilapit sa #ipaBITAGmo. Nawala ang kanyang kalahating milyong piso nang wala siyang kamalay-malay maging ang kanyang banko. Maging si 5th District Manila Representative at House of Representatives Banks and Financial Intermediaries Chairperson Irwin Tieng, dismayado.

October 12 naholdap ang nagrereklamong depositor, alas tres ng madaling araw. Natangay ang kanyang buong bag na may lamang wallet, ATM cards, credit cards, IDs at maging kanyang cell phone. Alas-siyete ng umaga ng parehong araw, agad niyang inireport ang insidente sa customer service ng kanyang banko sa pamamagitan ng telepono. Ginarantiya raw siya ng customer representative na naiblock na ang kan­yang ATM at mga credit cards.

Same day, 9:00 a.m., inireport din ng ginang sa Muntinlupa branch ng kanyang banko ang holdapan. Muli, ginarantiya siya ng bank representative na hindi nagalaw ang kanyang pera’t naka-block na ang kanyang mga card. Sa katunayan, inisyuhan siya ora mismo ng bagong ATM/debit cards. Ang problema, makalipas ang limang araw, natuklasan ng ginang na nasimot na ang P500k sa kanyang banko.

Nakita sa statement of account na nagkaroon ng sunud-sunod na online transaction simula October 17-20. Mula sa online bank transfer hanggang sa pagbabayad ng utility bills. Ang nakapagtataka, walang online bank account ang ginang. Kaya ang sagot sa kanya ng banko sa kanyang reklamo—doon ka sa main office magreklamo dahil online transaction ang ginawa sa account mo. Napakabastos! Depositor na ang naholdap, depositor na ang nanakawan, depositor pa ngayon ang inuutusan at pinagpapasa-pasahan.

Mismong si Cong. Tieng, kumbinsidong walang kasalanan ang depositor. Dapat umano ay naalarma ang banko sa sunud-sunod na transaksiyon sa bank account ng ginang lalo na’t nai-report na o na-tag nang “naholdap” ito. Nag-imbestiga nga ba ang banko? Sigurado ay nakikita nila sa kanilang system kung sino ang pinagpasahan ng mga pera at pinagbayaran ng utility bills ng banko.

Sigurado ang BITAG, hindi makakalusot ang banko sa pagkakataong ito. Hindi ito basta bank fraud lang. Maituturo ang kapabayaan at katangahan sa banko hindi sa depositor. Sino ang bankong ito? Abangan, dahil ipatatawag ni Cong. Tieng sa kanyang tanggapan kasama ang Banko Sentral ng Pilipinas at nagrereklamo.

Sa kasalukuyan, pasado na rin sa Kongreso ang panu­kalang batas ni Cong. Tieng na House Bill 7393 o Anti-Account Scamming. Nasa kamay na ng Senado kung aaprubahan ito upang maging ganap na batas. Panahon na para hindi lamang magdusa ang mga depositor. Papanagutin din ang mga bank and financial institution sa pagkawala ng pera ng kanilang mga kliyente.

vuukle comment

BANKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with