^

PSN Opinyon

Ang paglutang ng ‘Pharmally Queen’

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI nakalusot sa mga mata ng ilang piling bisita ni President Ferdinand Marcos Jr sa kanyang SONA noong Hulyo 24 ang paglutang ng tinaguriang “Pharmally Queen”. Nalaman ko na habang nagtatalumpati ang Presidente sa kanyang ikalawang SONA, nakakita ng golden oppor­tunity ang tinaguriang Pharmally Queen na si “Madam Rose” para magbenta ng kontrata o nangangalap ng impluwensya.

Kung naging maganda lamang ang naging resulta ng mga transaksIyon noong panahon ni ex-Pres. Rodrigo Duterte at ex- DOH secretary Francisco Duque, hindi na sana lumawig ang imbestigasyon ng mga mambabatas sa pondo ng pamahalaan noong kasagsagan ng COVID-19 sa bansa.

Bagamat may mga sinampahan na ng kaso ang Senado at Kamara sa Pharmally controversy, hindi nabubura sa isipan ng mamamayan ang mga kahina-hinalang transaksyon ng nasabing pharma company.

Hindi ko mawari kung ano ang pinaghuhugutan ng kumpiyansa ni “Madam Rose” na parang nakasandal siya sa pader. Ganon ba katindi ang kapit ng bagong backer sa administrasyong ito? Nasilaw ba sila sa kasuutang metallic gray na Filipiniana nang rumampa sa red carpet si “Madam Rose” at lakas-loob pang nagpakuha ng litrato kasama ang ilan sa mga batikang pulitiko.

Ibinabalandra pa ang mga pictures na parang walang nangyari at proud na proud pa sa pandarambong na ginawa sa kaban ng bayan. Tila nakalimutan na ang naging­ malaking papel sa anomalyang ginawa nito noong panahon na hirap na hirap ang lahat ng Pilipino dahil sa pandemic. Wala ring nakapansin kung gamit ba niya ang mamahaling Lexus na bigla na lang daw sumulpot sa garahe niya noon. Binibigyan pa rin natin ng mataas na marka ang mga hakbang kontra-korapsyon sa administrasyon ni PBBM?

Sa wari ng madlang pipol napakabilis ang sibakan basta may anomalyang natunugan. Nasampolan na nga rito ang 33 opisyales ng Department of Budget and Management at Department of Health dahil sa diumano’y sabwatan sa pagtakbo nila ng mahigit kumulang P42 bilyon sa government contracts sa ilalim ng Pharmally.

Nadeklara man na tapos na ang pandemya, marami sa kababayan natin ang hikahos pa rin mula rito—sa dami ng lumubog na negosyo, mga nawalan ng trabaho, at mga buhay na nawala. Ang tanong bakit si “Madam Rose” ay malaya pa ring pakalat-kalat at parang tuloy pa rin ang ligaya? Bakit parang tameme at tikom ang bibig ng ilang kasapakat o naka ikim ng katas na mula sa pandarambong sa kaban ng bayan sa pananagutan niya sa bilyun-bilyong korapsyon na ito?

Nagmukhang teleserye tuloy ang ginawang expose ng Senado ukol sa Pharmally. Ayaw kong maniwala pero medyo halata ang pagkakaroon nang malalaking padrino kaya nakapasok na naman ang Pharmally Queen sa administrasyong ito.

Sino ang ipinagmamalaki nilang political player mula sa Central Visayas na sinasabing protektor at backer ni “Madam Rose”?

Abangan.

vuukle comment

COVID-19

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with