^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Habulin at kasuhan ang tax evaders

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Habulin at kasuhan ang tax evaders

MARAMING hindi nagbabayad ng buwis. Isa ito sa mga dahilan kaya kapos ang bansa sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mahihirap. Walang pondo para sa mga serbisyong medical at iba pang pangangailangan particular ang pagbibigay ng ayuda sa mga pinakamahihirap na pamilya. Gusto man ng pamahalaan na mapagkalooban ng sapat na serbisyo ang mamamayan, hindi iyon matupad sapagkat kulang sa pondo. Kung nagbabayad sana ng buwis ang mga opisyal ng pribadong kompanya, posibleng matupad ang hangarin ng pamahalaan.

Ayon sa report ng Bureau of Internal Revenue (BIR), mayroong 214 corporate officers na hindi nagbabayad ng buwis. Tinatayang P6.1 bilyon ang halaga ng mga hindi nababayarang buwis ng mga corporate officers. Hindi naman nilinaw ng BIR kung gaano katagal nang hindi nagbabayad ng buwis ang mga opisyal mula sa pribadong kompanya.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, nagsampa na sila ng patung-patong na kaso laban sa mga corporate officers. Isinampa nila ang reklampo sa Department of Justice (DOJ) noong Huwebes. Ayon pa sa BIR commissioner, umabot sa 127 criminal charges ang inihain nila sa 214 corporate officials. Ang pagsasampa ng kaso ay una pa lamang sa mga hakbang laban sa tax evaders. Marami pa umanong inihahanda ang ahensya para mahabol ang mga negosyo, kompanya at korporasyon na patuloy na hindi nagbabayad ng tax. Hindi umano titigil ang BIR hangga’t hindi nagbabayad ang tax evaders. Patuloy ang gagawing paghabol sa lahat.

Kapag napatunayan umano na nagkasala ang mga corporate officers, makukulong ang mga ito bukod pa sa civil at tax liabilities na nakasaad sa batas. Idadaan daw sa due process ang lahat. Bibigyan ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili.

Tama ang hakbang ng BIR sa tax evaders. Maaaring hindi lamang 214 ang corporate officers na hindi nagbabayad ng buwis. Paigtingin pa ng BIR ang pag-iimbestiga para masingil ang mga ayaw magbayad ng buwis. At maari ring matagal nang panahon na ginagawa ito.

Habang ang mga karaniwang empleyado at kinakaltasa ng tax sa kanilang karampot na suweldo, marami naman palang opisyal na hindi nagbabayad ng tax. Gustong makalibre gayung limpak-limpak ang kinikita. Hindi na sila nakonsensiya.

Kapag nasingil na ang tax evaders, maaaring madagdagan na ang pondo ng bansa at may magagastos na sa pangagailangan ng mga dahop na mamamayan.

vuukle comment

BIR

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with