^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itigil ang POGO

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itigil ang POGO

Parami na nang parami ang nagpapakita nang pagtutol sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Pati mga mambabatas at mga mayor, lantaran na ang pagpapakita nang pag-ayaw dito. Para sa kanila, walang naidudulot ang POGO sa bansa kundi krimen. Mula nang mag-operate sa bansa noong 2017 ang POGOs, dumami ang krimen. Kabilang dito ang kidnapping, cryptocurrency scam at human trafficking.

Hanggang ngayon patuloy ang kidnapping sa mga Chinese at saka ipatutubos ng ransom. Mga kapwa Chinese din ang suspect. Kapag hindi natubos sa itinakdang ransom, papatayin ang biktima at saka itatapon ang katawan sa talahiban. Marami nang nangyaring ganito dahilan para maging busy ang Philippine National Police (PNP) sa kaso. Sa halip na ang asikasuhin ng PNP ay ang pagprotekta sa mamamayang Pilipino, ang pagtugis sa mga kidnapper na Chinese ang inaatupag.

Noong nakaraang buwan, maraming nasagip na dayuhan at mga Pilipino sa isang POGO hub sa Las Piñas. Pinagtatrabaho sila nang laban sa kalooban at hindi tinupad ang pinangakong sahod. Kabilang sa mga dayuhan na na-rescue ay mula sa Vietnam, Indonesia, India, Myanmar, Thailand at China. Pinakamarami ang mga Pilipino.

Marami ring na-rescue sa Clark, Pampanga na biktima rin ng human trafficking.

Karamihan sa mga biktima ng human ­trafficking ay mga dayuhan mula sa Indonesia, Vietnam, China, Myanmar, at Thailand.

Habang parami nang parami ang mga krimen na idinudulot ng POGOs, wala namang pagkilos ang pamahalaan para itigil na ang operasyon nito. Ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na sumasakop sa POGO ay walang ginagawang aksiyon. Mas tinututukan ng PAGCOR ang pagpapalit ng logo na ginastusan ng P3 milyon. Kung walang gagawing hakbang sa mga nangyayaring krimen dahil sa POGO, mahihirapang makaakit ng mga turista ang bansa. Sino naman ang dadalaw sa Pilipinas kung may nagaganap na kidnapping at mga pagpatay.

Kapuri-puri naman ang hakbang na ginawa ng Valenzuela City nang ipag-utos ng mayor doon na ipagbawal ang POGO sa kanilang lungsod. Walang sinumang POGO ang makapapasok sa lungsod.

Gayahin sana ng ibang lungsod sa Metro Manila ang ginawa ng Valenzuela. Ito ang tamang hakbang para lubusang “mapatay” ang POGO sa bansa.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with