^

PSN Opinyon

Orihinal?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY bagong slogan ang Department of Tourism (DOT) ngayon—”Love the Philippines”. Kumpleto ang se­remonyas ng DOT sa slogan. At naglabas pa ng video na mapapanood sa YouTube. Dito sa video nagkaproblema.

May agad pumintas sa slogan dahil tila hinihikayat ang mga Pilipino mismo na mahalin ang Pilipinas. Parang hindi na minamahal ang bansa. Pero bukod diyan may malalang pintas. Nang mapanood ang video na nagsisilbing pang-akit sa mga dayuhan na bumisita sa bansa, may mga nakitang eksena na kinopya lamang sa video ng ibang bansa. Nakakahiya.

Sa Facebook page ni Sass Rogando Sasot na “Mandarambong”, nilista niya ang limang eksena sa video ng “Love the Philippines” na umano’y kinuha sa video ng iba’t ibang bansa. Pati mga maliliit na detalye tulad ng mga naglalakad na tao at posisyon ng mga bahay, pagbato ng lambat, pagtalon ng mga lumba-lumba, pagmaneho sa buhangin at paglapag ng eroplano. Mga ilaw sa airport, mga posisyon ng eroplano at iba pa.

Unang pahayag ng DDB Philippines, ahensiyang lumikha ng video, orihinal daw ang lahat ng eksena. Pero sa tingin ko, mahihirapan ang DDB na magpaliwanag kung paano nagkaiba ang mga eksena at detalye at kung saan nagmula dahil parehong-pareho. Ang halaga ng video: P49 milyon. Hindi raw naglabas ng pera ang gobyerno. Kahit saan pa nanggaling ang pondo, ang masama ay ang magiging imahe ng bansa kapag hindi lang mga Pilipino ang nakapuna ng mga detalye. Nakakahiya.

Humingi ng paumanhin ang DDB at inaming galing daw sa “stock video”. Pero teka muna. Pinalalabas na sa Pilipinas lahat ito. Hindi puwedeng sabihing ginagawa naman talaga ang pagkuha ng stock video. Dahil dito, kinansela ng DOT ang kontrata sa DDB. Dapat blacklisted na ‘yan. Hindi ko maintindihan ang ibang taong inaakala ay maloloko ang mga Pilipino. Naalala ko ang nilabas na larawan daw ng mga sundalo nating nagdarasal noong labanan sa Marawi pero mga pulis pala ng Honduras. Agad ding nakita ng mamamayan ang pagkakamali.

vuukle comment

TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with