^

PSN Opinyon

Pikit

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Ano ang nangyayari sa Pikit, North Cotabato? Tila magkasunod na ang atake sa mga guro at hindi na kaaya-aya ang mga pangyayari.

Tiyak may malaking epekto ito sa mga estudyante sa naturang bayan kung ganitong may mga pagpatay na nagaganap at mas masaklap kung pati ang kani-kanilang mga guro ay pinapatay na rin.

Ang huling biktima ay isang 42-year old na guro na namatay sa shrapnel wounds nang masalo niya ang granada na inihagis sa bintana dakong alas dos ng madaling araw noong Huwebes sa bahay nila sa Bgy. Ginatilan.

Ang namatay ay si Marichu Cabanog, isang guro sa Balong Elementary School.

Ngunit bago ang kaso ni Cabanog, isang head teacher naman ang pinaslang at natamaan din ang kasama nitong isa pang guro na nagtamo ng malubhang sugat noong Mayo 26 sa bayan din ng Pikit.

Nababahala na ang mga awtoridad sa mga nangyayari na ang target ay mga guro.

Sana mahanapan ng solusyon ng lokal na pulisya ang nangyayari sa mga guro sa bayan ng Pikit at nang sa ganun ay mawala na rin ang takot sa mga guro mismo at maging sa mga estudyante nito.

vuukle comment

PIKIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with