^

PSN Opinyon

COVID vaccination sa mga bata, hirit

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Kahit nagdeklara na ang World Health Organization­ (WHO) na hindi na itinuturing ang COVID-19 bilang pan­da­igdigang health emergency,  kamakailan ay napabalitang­ nagkaroon na naman ng pagtaas sa kaso nito sa ating bansa. Mabuti na lang at hindi na ito singlubha ng dati. Wala nang maramihang pagkamatay dahil sa sakit. Ngunit huwag daw tayong kampante anang mga eksperto dahil naririyan at hindi na mawawala ang virus.

Sa mga unang taon ng pandemic, hindi naging prayoridad ang regular na pagbabakuna sa mga bata. Inuna kasi ang nakararaming mamamayan sa krusada laban sa virus­. Yung mga nakatatanda muna ang inuna kaya kakaunti sa mga maliliit na bata ang nabakunahan. Ayon sa mga eks­perto maaaring magkaroon ng malubha at pangmata­ga­lang epekto sa kalusugan ng mga bata ang ganitong oversight.

Nanawagan ang League of Municipalities of the Philip­pines (LMP) sa pamumuno ni National President Mayor JB Bernos, ng La Paz, Abra, sa mga miyembro nito na unahin ang routine at catch-up immunization ngayong 2023 para mabigyan ng atensyon ang vaccination sa mga bata.

Sa isang roundtable discussion noong Abril 28 kaugnay ng pagdiriwang ng World Immunization Week 2023, tinuran ni LMP Secretary General at Barcelona, ??Sorsogon Mayor Atty. Cynthia Falcotelo-Fortes ang papel ng mga local government sa tagumpay ng kampanya sa vaccination. Ngunit dapat aniya na magkaroon ng “routine immu­nization” at bigyan ng prayoridad ang mga maliliit na bata.

Kinatigan ito ni Dr. Ana Ong-Lim, ang Department of Pediatrics Professor at Chief ng Section of Infectious and Tropical Disease ng University of the Philippines-Philippine General Hospital, na nagsabing dapat doblehin ang pagpapataas ng pagbabakuna sa kabataan sa bansa.

Dahil sa routine vaccination, bumaba sa  48.5% noong 2020 ang kaso ng COVID-19, at nakabawi noong 2022 sa 62.9%. Marami aniya sa mga sumailalim sa public health services ay talagang hindi nakasunod sa schedule.  Nakalulungkot na ang immunization coverage ay bumaba, dagdag niya. Ayon pa kay Dr. Ong-Lim  “sa pag-usad ng pagbabakuna sa COVID-19 at pagluwag ng mga restriction, may pagkakataon na para muling palakasin ang routine at catch-up immunization para sa mga bata.

Ang World Immunization Week 2023, na ginaganap tuwing huling linggo ng Abril ay umihimok sa sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang mga tao sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. Sa ilalim ng tema ng “The Big Catch-Up,” sinabi ng WHO na ang layunin nito ay upang tiyaking mas maraming tao, lalo na sa mga bata, ang protektado mula sa mga sakit na maiiwasan naman sa pamamagitan ng bakuna.

Ang panawagan ng LMP na unahin ang pagbabakuna sa mga bata ngayong 2023 ay nakatuon sa pagkilos ng ating mga local government na ilapit ang pagbabakuna sa mga tao at doblehin ang mga vaccination rate. Ang media roundtable discussion ay inorganisa ng GSK Philippines sa ilalim ng Vax my Baby campaign—isang disease and vaccine awareness campaign na sinusuportahan ang regular na pagbabakuna sa mga bata.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with