^

PSN Opinyon

Peryante sa Calabarzon, nasusuya kay Aleng Tessie!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NASUSUYA ang kapwa n’ya peryante sa Calabarzon kay Aleng Tessie. Bakit? Kasi nga, nabili pala ni Aleng Tessie ang weekly payola ng mga perya para sa Calabarzon police. Kaya ano ang resulta? Pinataasan ni Aleng Tessie ang lingguhang intelihensiya kaya umaaray ang mga kasama n’yang peryante. Mautak si Aleng Tessie, ‘no mga kosa? Kanya-kanyang gimik lang talaga. Mismooooo! Mabo­bola kaya ni Aleng Tessie si Calabarzon police director Brig. Gen. Carlito Gaces? Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi lang ‘yan, dahil nakatali ang kamay ng mga pulis­, ang ginawa pa ni Aleng Tessie ay inaagaw ang mga puwesto na sa tingin niya ay malakas ang kita. Sino ang papalag sa modus ni Aleng Tessie? Walang palag ang kapwa n’ya peryante dahil tinataasan ni Aleng Tessie ang renta ng lupa at padulas pa sa may-ari. Ang galing dumiskarte ni Aleng Tessie. Mismooooo!

Ang kaakibat ni Aleng Tessie sa raket n’ya ay itong si alyas Billy Joe, ang nanalo sa unang bidding ng linggu­hang payola sa Calabarzon sa halagang P6.4 milyon weekly. Kaya lang mukhang nadisgrasya si Billy Joe dahil binawasan n’ya ng porsiyento ang pitsa kaya’t hayun, sibak s’ya. Subalit nanatili s’ya para kay Aleng Tessie. Sinabi ng mga kosa ko na police major itong si Billy Joe. Nagtatago ka pa ha? Hehehe! Ibubulong ko na lang ang tunay na name n’ya kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., para mapremyuhan s’ya. Dipugaaaaa!

Sa tingin ko naman, imbes na kumita may tsansa na malugi itong si Aleng Tessie dahil sa “no take policy” na utos ni Acorda. Tumpak! Ipinaigting ni Acorda ang kampanya laban sa illegal gambling matapos humingi ng tulong sa kanya si PCSO General Manager Mel Robles bunga sa komokonti ang kita ng ahensiya dahil sa naglilipanang sugal lupa sa buong bansa. Araguuyyyyyy!

Dapat lang kasing dumistansiya ang mga PD at COPs sa Calabarzon kay Aleng Tessie kung ayaw nilang malasap ang nangyari sa hepe ng Orion, Bataan na sinibak sa pu­westo dahil sa kapabayaan laban sa perya. Lalo na ang bagong PD ng Batangas at mga COPs kung saan nag­li­lipana ang mga puwesto ni Aleng Tessie. Dapat silang kabahan at baka tamaan sila ng kidlat ni Acorda. Dipugaaaaa! Uubra kaya ang kinang ng pitsa ni Aleng Tessie sa “no take policy” ni Acorda?

Magsisilbing hamon naman para kay Gaces ang peryahan ni Aleng Tessie sa hurisdiksiyon n’ya. Wasakin mo Gen. Gaces ang mga lamesa ni Aleng Tessie nang sa gayon hindi ka maakusahan na iniisnab mo ang “no take policy” ni Gen. Acorda. Anong sey mo kosang Francis? Abangan!

vuukle comment

CALABARZON

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with