^

PSN Opinyon

Pugante sa batas

IKAW AT ANG BATAS! - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Dapat ang nagsasalita lang sa usaping hustisya ay si Justice Secretary Boying Remulla at ang nag-iimbestigang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Wala nang iba.

Kung mayroon mang ibang nagsasalita, nagpapaepal, nagpapabida lang yan.

Hinggil ito sa kasong ipinupukol kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves na kasalukuyan pa ring nagtatago. Ayaw pa ring umuwi sa Pilipinas.

Mayroon kasing isang Cabinet secretary na hindi niya naman poder at hurikdiksyon ang Department of Justice (DOJ), kung anu-anong pinagsasabi. Pilit pinagsisiksikan ang sarili para maging laman ng balita o siya mismo ang maging balita. May pademo-demonyo pang sinasabi.

Ang nangyayari tuloy lalong gumugulo. Nagiging kum­plikado kasi pilit umeentra. Ang tawag ko diyan, ASS – ang­kas, sakay, sawsaw. Hindi ako namemersonal at hindi ko na rin siya papangalanan.

Ito namang ibang mga nasa news media, nae-excite, nakikiliti. Bawat buka ng bibig nung utot na personaheng maepal na pilit nagpapapansin pero walang alam, pinapa­tulan. Lalo tuloy siyang sinasarapang magpaepal.

Singlinaw ng sikat ng araw ang paliwanag ni Secretary Remulla. Maituturing nang fugitive o pugante si Teves kapag hindi pa siya lumutang.

Bihirang gamitin ang terminolohiyang ito sa Pilipinas. Kadalasan ginagamit ito ng mga law enforcement agency sa U.S.

Ayon kay Remulla, ang isang fugitive ay suspek sa isang krimen subalit ayaw humarap o magpakita para umiwas sa batas.

Ang problema, ang inaakusahang kongresista na sinus­pinde ng Kongreso noong nakaraang linggo, nagma­ma­tigas. Ang bulong-bulungan tuloy ng ilan, dating nag­ha­hari-harian sa Negros Oriental ngayon tumiklop. Nagtatago.

Unsolicited advice, Cong. Arnie Teves, umuwi ka na. Ha­rapin mo ang mga ibinibintang sa iyo tulad ng panawagan ng pamilya mo at ng kapatid mong dating gobernador.

Lalo lang lumalaki ang isyu hangga’t ang abogadong mong si Ferdinand Topacio ang humaharap at nagsasalita sa media. Ikaw rin mismo ang gumagawa ng dahilan para husgahan at pagpistahan ka in the court of public opinion.

Lumutang ka na. Hayaan mong ang mga nag-aakusa ang magpatunay sa hukuman. Ikaw ay dedepensa lamang. Hukuman pa rin ang magde-determina sa mga ipipresentang ebidensiya.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with