^

PSN Opinyon

Pananakit ng likod

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang tips para mabilis makarekober sa pananakit ng likod dahil sa hindi tamang pag-upo. Sundin ang mga ito ng dalawang linggo pagkatapos makaramdam ng sobrang pananakit ng likod.

1. Pag-upo. Kung uupo kinakailangan na ito ay tatagal lamang ng 15 minuto. Pagkatapos nito, kinakailangan mo munang tumayo at maglakad-lakad.

2. Umupo ng may suporta sa likod. Kinakailangan na may nakasuportang unan sa iyong likuran o lumbar roll.

3. Panatilihin ang iyong balakang at tuhod ay nasa tamang anggulo. Ang iyong hita ay kailangan nakatuwid at ang paa ay nakalapat sa sahig. Kung mababa ka, gumamit ng foot rest o stool kung kinakailangan.

4. Umupo nang diretso. Itindig ng diretso ang kurbang bahagi ng likuran.

5. Umupo sa upuan na may sandalan at may patungan ng mga braso. Ang pag-upo sa malambot na upuan o upuan na walang sandalan ay makapagpapakurba sa likod.

6. Sa opisina i-adjust ang iyong upuan palapit sa iyong mga gawain. Ipahinga ang siko at braso sa upuan o mesa at panatilihing relax ang balikat

7. Kung uupo sa upuan na may gulong huwag paikutin ang iyong balakang habang nakaupo sa halip ibaling ang iyong buong katawan.

8. Kung tatayo mula sa pagkakaupo bahagyang iusod muna ang puwitan paharap sa malapit sa dulo ng upuan bago tumayo.

9. Sa pagtayo ituwid ang mga binti at hita. Agad na iunat ang iyong likod sa pamamagitan ng paggawa ng ilang segundo na backbends.

vuukle comment

LIKOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with