^

PSN Opinyon

Puwersahang PUJ modernization ibasura

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PABOR ako sa modernisasyon. Sabi nga ng matandang kawikaan, walang permanente sa buhay na ito kundi ang pag­babago. Sa lahat ng pagbabago, dapat tayong sumabay at kung hindi, tayo ay mapag-iiwanan.

Pero kaugnay sa modernization ng public transport system, kung ito ay puwersahan at ipatutupad nang agaran­, hindi ako sasang-ayon. Sasabihin marahil ng Land Trans­portation and Regulatory Board (LTFRB) na mahabang panahon na ang ibinigay nito sa operators na paghan­daan ito. Pero hindi iyan ang isyu.

Ang isyu ay ang pagdidikta ng pamahalaan sa kaliit-liitang detalye ng modernisasyon. Halimbawa, kung saan bibili ng mga modernong sasakyang ipapalit as tradisyunal na jeepney. 

Kung ang dapat bilhin ng mga operators at kooperatiba ay ‘yung mga hinango ng gobyerno sa China o kung saan mang lupalop, may nangangamoy na anomalya diyan. Darami ang mga komisyuner.

Ang mainam na modernisasyon ay ang paghimok sa mga jeepney manufacturers na gawing moderno ang kani­lang mga produktong sasakyan. ‘Yun bang environment friendly na lilihis sa paggamit ng tradisyunal na fossil fuel tulad ng gasolina at diesel.

Noong panahon ng matandang Presidente Ferdinand­ E. Marcos, mayroon tayong Progressive Car Manufacturing­ Program upang masimulan nating mga Pilipino ang paggawa ng sarili nating sasakyan. Bakit hindi ito ipagpatuloy ni Marcos Jr.?

Let me say, modernization evolves and is not forced to happen.

vuukle comment

LTFRB

MODERNIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with