^

PSN Opinyon

Mga pulis-pulisan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Pinahihigpitan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin ang bentahan ng mga uniporme ng mga pulis. Sa panahon natin ngayon, mahirap kilalanin ang totoong pulis sa nagpapanggap lang.

Kahit higpitan ang bentahan ng police uniforms sa mga authorized outlets, ang mga taong determinadong magpulis-pulisan ay puwede namang magpagawa sa mga tailor shop at di kailangang bumili sa mga authorized outlet.

Ang dapat gawin, bukod sa pagkontrol sa pagbebenta­ ng police uniform ay higpitan ang pagpapatupad ng batas laban sa usurpation of authority. Ang mga nagkukunwang pulis ay isa rin sa maraming rason na nagbibigay ng batik at masamang pangalan sa mga pulis.

Dapat ding parusahan ang mga sastre na tumatahi ng mga nabanggit na uniporme kahit hindi awtorisado. Gawin lamang exemption ang mga movie producers na kung minsan at nangangailangan ng uniporme ng pulis o sundalo pero magtakda rin ng mga mahigpit na kondisyon.

Kailangan ding taasan ang parusa sa mga gumagawa nito dahil ang kabuntot na krimen dito ay malulubhang krimen tulad ng hulidap at extortion at ang pinakamalala ay kidnap for ransom.

Dahil sa karumal-dumal na mga krimen na puwedeng gawin ng mga pulis-pulisan, dapat siguro ay patawan iyan ng pinakamabigat na parusang itinatakda ng batas. Pero trabaho na iyan ng Kongreso at ang aki’y mungkahi lang.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with