^

PSN Opinyon

Cha-cha, ‘wag ‘pampersonal’

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PABOR ako sa pagbabago ng Konstitusyon basta ito’y hindi magbibigay ng undue political edge sa mga nakaupo sa kapangyarihan. Kapag nabanggit kasi ang Charter change (Cha-cha), suspetsoso agad ang taumbayan na maaaring may vested interest na kaakibat ito. 

Halimbawa, kung ito ay magbibigay ng term extension sa lahat ng mga elective positions, dapat tutulan iyan lalo pa kung ang gagawa ng rebisyon ay mga kasalukuyang opisyal gaya ng mambabatas.

In fairness, ang panukala ni Sen. Robin Padilla ay eco­nomic provisions lang ang aamyendahan upang maging maluwag ang pagpasok ng mga foreign investors sa bansa. 

Ngunit nasaan na ang batas na napagtibay tungkol sa ease of doing business? Baka naman kailangan lang maipatupad nang maayos.

Inirerekomenda ni Padilla na gawing constituent assembly ang Kongreso para sa Cha-cha. Gaano man  kaganda ang intensyon sa Cha-cha, pagdududahan ng taumbayan ito kung mga mambabatas mismo ang gagawa ng rebisyon.

Kung ang hangad lamang ay pagbabago sa mga economic provisions, sa tingin ko ay puwedeng gawin iyan sa executive level sa tulong ng batas sa ease of doing business. 

Ang sabi nga ni Senate minorty leader Koko Pimentel, hindi pa napapanahon ang Cha-cha dahil mas maraming problemang kaugnay sa world crisis ang dapat asikasuhin ng pamahalaan.

vuukle comment

CHARTER CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with