^

PSN Opinyon

Crackdown sa PnB sa Cagayan, di umubra

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

SA kabila nang mahigpit na tagubilin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ipatigil na ang jueteng operations ng Globaltech na ikinubling “Peryahan ng Bayan” (PnB) nagpapatuloy ito at hindi man lang natinag sa Cagayan province.

Mismong si Cagayan Governor Manuel Mamba nga’y tila nag-surrender sa katigasan ng ulo ng mga nagpapatakbo nito.  

Hindi kinayang umaksyon ang Cagayan Valley regional police kahit nakaupo na mismo bilang PNP chief ang bumangga nun sa PnB sa Pangasinan na si Lt. General Rodolfo “Jun” Azurin.  

Ganyan kabigat ang mga may bulsang nakikinabang sa ilegal na operasyon ng PnB sa Cagayan, Governor Mamba. 

Kung totoo, mas manipis pala ang mukha at di gaanong katapang ang apog ng kapulisan sa Panga­sinan dahil sa wakas ay pinatigil na rin ang Globaltech sa pagbabalahura sa kautusan ng PCSO kontra sa PnB.   

O baka naman ningas cogon lang ito ni Gov. Ramon Guico III upang pumogi bilang paghahanda sa nagbabadya pa ring tunggalian nila ng natalong si Amado “Pogi” Espino III sa 2025? 

Ngunit di katulad ng Pangasinan, kilo-kilometro na ang kapal ng naisiksik sa taynga ng mga otoridad lalo na ang kapulisan upang magbingi-bingihan sa napakalinaw na bilin ng PCSO kontra sa PnB.

Ang namumukod-tanging rason? Mas malaki kasi ang nakukuhang pabuya o “tolerance fee” ang mga nagbabalewala sa tagubilin ng mga nakatataas sa kanila?

* * *

Para sa suhestiyon:  [email protected]

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with