^

PSN Opinyon

Kahit matatanda, huwag pagkaitan ng employment

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMI tayong kababayang kapag nagretiro na ay naka­­tengga na lang sa bahay. Para bang naghihintay na lamang ng “call slip” ni kamatayan. Kaya naman maraming retirees na napapabilis ang takdang araw ng pagpanaw. Aba, malakas makapanghina ng katawan ang pagkainip kahit bata ka pa. Kumpirmado iyan ng mga eksperto.

Marami akong kakilala na kahit mahigit na sa 70-anyos ay malakas. Kaya pang gawin ang gawain ng mga nakaba­bata. Bakit hindi sila payagang makapagtrabaho ayon sa kanilang kuwalipikasyon?

Ang kaso, dito sa atin ay may age limit ang pagtatra­baho. Madalas makakita tayo ng wanted ads na nanganga­­ilangan ng ganito o ganyang posisyon. Pero sa dulo ang anunsiyo, sinasabing kung ang edad mo ay 30-anyos na, huwag ka nang mag-apply. Akala ko ba may batas na tayo sa age discrimination?

Sa America, may kakilala ako na retiradong chief of police na nakapasok pa sa trabaho bilang security guard. Isang kamag-aral ko noon ang nagretiro sa US Navy na nakapagtrabaho pa bilang pulis sa California.

Sa Senado, mayroong isinusulong na Senate Bill 360 si Sen. Joel Villanueva. Itinatadhana na bigyan ng trabaho ang mga senior citizens na “able bodied” o may kakayahan pang maghanapbuhay. Sana maging batas ito para naman­ maging produktibo kundi man mapahaba ang buhay ng ating mga matatanda. Ay, kasama pala ako roon.

Sa United States, pagpasok mo sa alin mang mall, may mga sasalubong sa iyong seniors na nakangiting mag­sasabi sa iyo “Welcome to Macey’s”. Greeters ang tawag sa kanila. ‘Yung iba naman ay may dala-dalang tray na may bagong produktong pagkain o inuming gusto nilang ipasubok sa tao. 

Sana, ganyan din tayo sa Pinas!

vuukle comment

EMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with