^

PSN Opinyon

‘All system go’ sa security sa inagurasyon ni BBM! —Gen. Francisco

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nakalatag na ang security at mga kagamitan sa loob ng National Museum kung saan gaganapin ang oath-taking ni incoming President Bongbong Marcos sa June 30. Sinabi ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na off-limits na ang mga kalye sa kapaligiran ng National Museum mula sa araw na ito at ang advise niya sa mga motorista ay umiwas na dito. May mga pulis na naka-deploy sa nabanggit na mga kalye sa P. Burgos mula Roxas Blvd. hanggang Taft Ave.; Finance St.,-P. Burgos hanggang Taft Ave., at Ma. Orosa, T. Kalaw hanggang P. Burgos para itaboy ang mga motorista na dadaan dito.

Ayon kay Gen. Francisco, aabot sa 7,000 kapulisan ang ide-deploy sa buong Maynila sa June 30 at ikakalat para magsagawa ng checkpoint operations sa kalsada, lalo na sa boundary sa Northern Police District, Quezon City Police District, Eastern Police District at Southern Police District. May kabuuang 17 critical points din na babantayan ang MPD, kabilang ang Liwasang Bonifacio, Mendiola, US embassy, Plaza Miranda, Supreme Court at headquarters ng Commission on ELections (Comelec). May 100 hanggang 150 na Crowd Dispersal Management (CDM) contigent na i-deploy sa mga nabanggit na lugar. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Bantay-sarado ang Maynila sa constitutional at historic na oath-taking ni BBM, no mga kosa? Mismooooo!

Sinabi pa ni Gen. Francisco na naitayo na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga bleachers na gagamitin ng First Family, VIPs, ambassadors at foreign dignitaries sa National Museum. Ang unang bleacher ay puwedeng maka-accommodate ng 700 katao samantalang ang isa pa nito ay 500 invited guests naman ang kasya rito. May balak pa ang DPWH na bubungan ang mga ito.

Nagawa na rin ng Department of Foreign Affairs ang sitting arrangements ng First Family, VIPs at iba pang imbitado. Hindi saklaw ni Gen. Francisco ang security arrangements sa loob ng National Museum dahil nakaatang ito sa Presidential Security Group (PSG). “All systems go na kami. Mga malilit na bagay na lang ang tinatahi,” ani Gen. Francisco, ang deputy commander ng security ng okasyon. Mismooooo! Hak hak hak!

Di mahulugang karayom ang security na inilatag ni Gen. Francisco sa inagurasyon ni BBM kaya’t next to impossible na malusutan pa ito, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Ayon kay Gen. Francisco, may mga designated parking areas naman sa okasyon subalit hinikayat niya ang mga Pinoy na gustong masilayan ang inagurasyon ni BBM na kung maari ay sumakay na lang sa Light Railway Transit (LRT). Ang lugar na iniatang para sa kanila ay sa golf course sa Intramuros. Bawal din ang backpack at mga jacket subalit ‘yung magbabaon ng tubig ay dapat nasa plastic bottle ito, ani Gen. Francisco. Inuulit niya na bawal magdala ng baril at may no-fly at drone fly zones sa area. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Maraming bawal na dapat sundin ng mga Pinoy at baka sa kulungan ang bagsak n’yo! Mismooooo!

Si NCRPO chief Maj. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad naman ay binuhay ang Task Force Manila Shield para i-secure ang Metro Manila sa Hunyo 30. Abangan!

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with