^

PSN Opinyon

No more peace talks ani Prof. Carlos

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Iisa pala ang takbo ng isip namin ni UP professor Clarita Carlos: itigil na ang peace talks sa mataas na pamunuan ng CPP-NDF-NPA na gastos lang at walang kinahahan­tungang mabuti. Sapul pa nung panahon ni Cory Aquino, lagi na lang nagdaraos ng peace talks na nagiging junket trip lang para sa mga opisyal na kasama sa peace panel.

Si Carlos ang tanging member ng University of the Phi­lippines faculty na kumampi at dumepensa kay president-elect Ferdinand Bongbong Marcos kung kaya itinakwil ng kanyang mga kabarong pulos anti-Marcos. Ngayon, siya ang hinirang ni Marcos na maging National Secrurity Adviser sa sandaling manungkulan ang president-elect sa papasok na buwan.

Tama si Carlos. Walang sinseridad ang mga komunista. Kahit kasagsagan ng peace talks na ginaganap pa sa ibang bansa, hindi naman tumitigil sa pang-aambus ang mga armadong tauhan nitong NPA. Madalas, mga inosenteng sibilyan ang nadadamay o kaya ‘yung mga nagdadala ng relief goods sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Okay lang ang pakikipag-usap sa mga rebelde sa iba-ibang rehiyon upang tukuyin ang kanilang problema at mabigyan ng solusyon. Kung ako ang tatanungin, buksan ang pintuan para magsisuko ang mga rebelde at bigyan sila ng karampatang suporta at ayuda ng pamahalaan. Pero ‘yung magpapatuloy sa pandarahas, ituring ang mga ito na bandidong tulisan at papanagutin sa ilalim ng batas.

Totoo namang panunulisan na ang ginagawa nila sa pangongotong sa mga negosyante na kung hindi mag­ha­hatag ay isasabotahe ang kanilang mga pasilidad. Iyan ay habang nagpapasarap naman na parang hari si Jose Ma. Sison sa Europa.

Mabuti nga itinigil na ni President Duterte and peace talks na pag-aaksya lang ng panahon at salapi.  Dapat, maglunsad si Marcos ng programa para sa rehabilitasyon ng magsisisukong rebelde. Bigyan sila ng hanapbuhay at kung kinakailangan, pabahay para sa kanilang mga pamilya.

vuukle comment

CORY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with