^

PSN Opinyon

Shoutout sa ating loyal #ProudMakatizen employees

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

KASABAY ng makulay at masayang selebrasyon ng Araw ng Makati noong nakaraang Hunyo 1, 2022, aming kinilala at pinarangalan ang mga natatanging empleyado ng Makati City Hall na nagpamalas ng katapatan at dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin sa loob ng mahabang panahon.

Ang Loyalty Service Award ay iginagawad sa mga opisyal at kawani na nakapagsilbi ng mahigit 10 taon na tuluy-tuloy na serbisyo. Noong 352nd founding anniversary natin, pinarangalan ang mga 40-year awardees na sina:

1. Rosemarie D. Castro - Education Department

2. Dennis N. Cañete - Dept. of Environmental Services (DES)

3. Bernardo C. Griego - DES

4. Lorna J. Rimando - Makati Health Dept. (MHD)

5 . Mario V. Sacro - Office of the Building Official (OBO)

6. Hiyasmin P. Jingco - University of Makati

Mayroon ding mga naglingkod nang higit na 30 taon sa ating lungsod. Sila ay sina:

1. Elizabeth M. Corro - Public Safety Dept. (PSD)

2. Renato A. Malonzo - PSD

3. Maria Socorro R. Viegan - Law Dept.

Noong ako ay umupong mayor, isinapormal namin ang pagbibigay ng cash awards para sa mga loyalty service awardees. Hindi po biro ang mag-alay ng napakaraming taon ng inyong buhay sa pagsisilbi sa ating #ProudMakatizens at sa pamahalaang lungsod.

Alam namin ang pagod, hirap, at sakripisyo na inyong ibinibigay sa bawat araw. Lalo na’t hindi kalakihan ang suweldong tinatanggap ng isang kawani ng gobyerno. Kaya naman simula 2016, nagpatupad na tayo ng loyalty incentive program para sa mga empleyadong may 10 taong serbisyo,  at patuloy na makakatanggap ng cash incentives  habang tumatagal sila sa serbisyo.

Halimbawa, ang 40 years pataas sa serbisyo ay nakatanggap na ng P35,000 noong 2017 at P5,000 naman noong 2020; Ang mga 30 years pataas naman ay ­nakatanggap na ng P25,000 noong 2017 at P5,000 din noong 2020. Pagkatapos nito ay makakatanggap pa rin ang empleyado ng karagdagang P5,000 incentive tuwing ika-limang taon. 

Ito ay motibasyon para lalong magsipag at patuloy na itaas ng ating mga empleyado ang antas ng serbisyo at paglilingkod-bayan sa Makati. Para maisakatuparan ang ating mga plano at programa, kailangan natin ang bawat isa sa inyo na walang sawang nag-aalay ng oras at sarili para sa kapwa.

Matapos ang recognition ceremonies at pag-aalay ng banal na misa noong June 1, nagsama sama ang Makatizens para sa isang masayang selebrasyon sa Makati Coliseum. Nanumpa ang mga bagong-halal na opisyal ng pamahalaang lungsod at nagkaroon ng concert para sa lahat ng dumalo sa kasiyahan.

Talaga namang winner ang ating mga bisita lalo na si Ms. Gigi de Lana at ang Aegis! Nag-uumapaw ang galak sa aking puso ng makita ko ang saya ng bawat isa sa muli nating pagsasama-sama. Na-miss natin ang mga ganap na ganito, kaya sana ay patuloy tayong mag ingat at laging isaisip ang pag-iwas sa COVID-19 para hindi na muli tayong isailalim sa lockdown.

Sa ngalan ng lahat ng opisyal ng pamahalaang lungsod, ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng dumalo, naki-livestream, at nakisaya sa amin.

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with