^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malaya na ang Pharmally officials

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Malaya na ang Pharmally officials

Nakalaya na mula sa Pasay City jail ang mga opisyales ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation na sina Linconn Ong at Mohit Dargani. Pitong buwan silang namalagi sa kulungan makaraang ipag-utos ng Senado na arestuhin at ikulong sila dahil sa hindi pakikipag-cooperate sa imbestigasyon. Inaresto si Ong noong Set­yembre 2021 samantalang si Dargani at kapatid nitong babae na si Twinkle Dargani ay naaresto sa Davao Airport noong Nobyembre habang pasakay sa eroplano.

Ngayong nakalaya na ang dalawa, malamang na tapos na rin ang isyu sa bilyong pisong nakopo nila sa pamahalaan para magsuplay ng medical supplies. Sayang naman ang pinagpaguran ng Senate Blue Ribbon Committee na ilang buwang tinalakay para lumabas ang katotohanan. Ganito lang ba ang kalalabasan ng lahat?

Nahalukay ng Senate Blue Ribbon Committee ang maanomalyang transaksiyon na pinasok ng Pharmally­ sa pamamagitan ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM). Sa imbestigasyon nakopo ng Pharmally ang 26.39 percent ng P42-bilyon na kontrata sa kabila na ang capital nila ay P625,000 lamang.

Sa kabila na bilyones ang kinita sa transaksiyon, hindi nagbabayad ng tamang tax ang mga opisyales ng Pharmally. Ayon sa imbestigasyon ng Senado, ang company president na si Twinkle Dargani ay nagbayad lamang ng P1,000 para sa kanyang income taxes noong 2020. Ang kapatid nito na si Mohit Dargani, corporate secre­tary ay nagbayad lamang ng P97,241 noong 2020.

Nabuking din ng Senado ang mamahaling sasakyan nina Twinkle at Mohit na binili, anim na buwan makaraang makakuha nang malaking kontrata sa pamahalaan. Si Twinkle ay may 2021 model Lamborghini Urus na nagkakahalaga ng P25 milyon samantalang si Mohit ay may 2021 Porsche 911 Turbo S na nagkakahalaga ng P8.5 million.

Si Linconn Ong ay mayroong Porsche Carrera 4S na P13.5 milyon ang halaga; Lexus RCF na P5.9-milyon at Porsche 911 Turbo S na nagkakahalaga ng P8.5 milyon.

Ang isa pang opisyal ng Pharmally na si Rose Nono Lin, ay may 2020 Land Rover/Range Rover SC na P11.9-milyon ang halaga; 2019 Lexus LX450D na nagka­kahalaga ng P8.8-milyon; 2018 Cadillac Escalade na P8.9-milyon ang halaga at Toyota Land Cruiser na P4.8-milyon ang halaga. Itinanggi ni Lin ang mga akusasyon.

Ano na ang mangyayari sa mga isyung ito na kinasasangkutan ng Pharmally executives. Kung masisingil sila sa mga pagkakautang sa buwis, malaking tulong para makaahon ang bansa sa pagkabaon sa utang. Dapat gumawa­ ng hakbang ang BIR para masingil ang mga ito.

vuukle comment

PHARMALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with