^

PSN Opinyon

Tigilan na muna ang pag-aaway  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TAMA na muna ang bangayan sa naging resulta ng halalan upang umusad na itong transition government ng bagong halal na presidente at bise presidente ng bansa. Bagamat may mga alinlangan pa rin ang ilan sa ating mga kababayan na botante at lalung-lalo na sa mga natalong kandidato, hindi matatawaran ang mahigit na 31 mil­yong boto na nakamit ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte. Malinaw na nais ng mga ito ang pagkakaisa upang umusad ang mga programang ipinangako noong panahon ng kamapanyahan.

Sa ngayon na halos umabot na sa langit ang utang ng Pilipinas matapos tumama ang pandemya, panahon na para matuto tayong umunawa sa naging resulta ng 2022 elections. Ang naging alingasngas lang naman sa resulta ng halalan ay itong kapalpakan ng ilang Vote Counting Machines (VCMs) at SB card kaya inabot ng madaling araw ang botohan sa ilang presinto.

Naging mabilis naman ang paglabas ng resulta sa bilangan ng boto dahil hatinggabi ng May 9 ay may mga partial result nang pinalabas ang Comelec. Aminado naman ang mga commissioner ng Comelec sa ilang palpak na VCMs at SB card, dahil ayon sa kanila, ang ilang makina ay may kalumaan na. Kapos umano kasi ang pondo na ipinagkaloob sa kanila. Kaya isang leksiyon ang naganap na kapalpakan upang makapaghanda ng mas maaga ang Comelec.

May kakayahan kaya ang mga bagong commissioneers ng Comelec na maparusahan ang mga naghasik ng kaguluhan sa mga lalawigan. Ang tinutukoy ko ay ang mga kaganapan sa Nueva Ecija, Abra, Ilocos Sur at Maguin­danao­. Namayagpag ang mga private army group ng mga pulitiko na naging dahilan ng kamatayan ng ilang sibilyan.

Dapat mapatawan ng disqualification case ang mga nasangkot sa kaguluhan. Kung hindi ito matutul­dukan ng Comelec, magpapatuloy ang madugong sagupaan ng mga magkalaban sa pulitika tuwing sasapit ang election. Malaking hamon ito sa Comelec at sa transition government nina Marcos at Duterte.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with