^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tax sa campaign funds, bayaran

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tax sa campaign funds, bayaran

Tapos na ang election. Naiproklama na ang karamihan sa mga nanalong kandidato. Ang ibang talunan ay natanggap na ang sinapit subalit mayroon namang iba na hindi pa sumusuko at umaasang magbabago pa ang numero.

Pero anuman ang kinahinatnan ng kandidato­—natalo man siya o nanalo, kailangan niyang bayaran ang tax para sa kanyang hindi nagastos na cam­paign funds. Ayon sa advisory ng Bureau of Internal­ Re­venue (BIR), lahat nang kandidato—mapa-local man o mapa-national, ay dapat mag-file ng state­ments of conrtributions and expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) sa loob ng 30 araw makalipas ang Mayo 9 na ginanap ang elections.

Nakasaad sa SOCE ang halaga ng perang natanggap ng kandidato mula sa kontribusyon at donors at ang halagang nagastos para sa advertisement at sorties sa panahon ng pangangampanya. Ayon sa BIR, ang campaign funds ay hindi kasama sa taxable income ng kandidato sapagkat ito ay para lamang sa electoral purposes.

Maraming kandidato ang tumanggap ng kontri­busyon at donasyon mula sa mga kompanya, ka­ibigan, kakilala at kung sinu-sino pa at hindi naman lahat ay nagastos sa kampanya. Ito ang nararapat bayaran ng tax. Karaniwang sumusobra ng mil­yong piso ang campaign funds. Kung ang bawat kandidato ay may sobrang P1 milyon ng campaign funds, malaki rin ang tax para rito at dagdag sa kaban ng bansa.

Maski si President Duterte ay inamin noong 2017 na mayroon siyang naitabing P3.5 milyon na excess campaign funds noong 2016. Dineklara umano niya itong income at binayaran ang tax nito.

Maski si Manila mayor at tumakbong presidente Isko Moreno ay inamin din na mayroon siyang na­itabing P50 milyon na hindi niya nagamit noong 2016 nang tumakbong senador. Donasyon umano ito sa kanya ng iba’t ibang tao. Idineklara niya itong income at binayaran ang tax.

Paigtingin ng BIR ang paniningil sa mga kandidato ukol sa hindi nagastos na campaign funds. Kapag nasingil ang karampatang buwis para sa mga ito, malaking karagdagan sa kaban ng bayan. Obligahin ang mga kandidato na magbayad.

vuukle comment

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with