^

PSN Opinyon

Karahasan sa election

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila ng puspusang paghahanda ng Commission on Election (Comelec) sa ginanap na election kahapon, kaliwa’t kanang aberya naman ang naranasan ng mga bo­tante. Nariyan ang pagkapalpak ng mga Vote Counting­ Machine (VCMs) ang paghihirap ng ilan sa paghanap ng kanilang pangalan sa voting list at ang pagkaroon ng big­laang brownout. Kayat tuloy nalabag na ang health standard protocols dahil halos magpalitan ng mukha ang mga botante sa mga polling places. Ang ilan naman ay nagkandahilo sa haba ng pila habang nakabilad sa sikat ng araw. Subalit matiyaga parin itong ating mga kababayan sa pagpila upang bomoto upang mapahayag ang kanilang karapatan na mailuklok sa puwesto ang mga nararapat na mamumuno sa ating bansa.

May mga lugar pa rin sa ating bansa na hindi kumpleto­ ang halalan hangga’t walang nagbubuwis ng buhay. Hindi nakayanan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) na lipulin ang mga private armies ng mga tradistional politician. Katulad na lamang sa lalawigan ng Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Maguin­danao na kung saan nakapagtala ng mga patay at sugatan matapos na magkasagupa ang mga alipores ng mga kandidato. Dapat mahubaran ng maskara ang mga pulitiko na nagkakanlong ng mga goons at private army.

Ayon sa report sa Datu Unsay, Maguindanao limang grenade launcher ang pinasabog ng hindi pa matukoy na mga salarin. Siyam ang sugatan sa insidente. Ang mga sugatan ay kinilala na sina Amil Midzil, Asrap Abdul, Mokom Dimatingkal, Pahab Bandao, Jomar  Kinson, Karoten Longkatay, Brahim Guiamalon, Dhags Payag at Knotan Adam. Lahat sila ngayon ay nasa pagamutan.

Tatlo naman ang patay sa Buluan, Maguindanao nang ratratin ng mga salarin sa labas ng Polling Precints, wala pang nahuhuli o nakikilala sa mga suspek. Sa Nueva Ecija  nagkasagupa naman ang mga suporters ng magkalabang pulitiko na nauwi sa barilan. Isinasagawa na sa ngayon ang malalim na imbestigasyon ng kapulisan. Sa Ilocos Sur naman patay ang apat na tauhan ng tumatakbong vice mayor habang 10 naman ang arestado.

Sana naman huwag nang madagdagan pa ang mga insidenteng tulad nito habang nagsasagawa ng counting. Maging alerto sana ang PNP, AFP at maging itong Philippine Coast Guard upang mabigyan ng proteksiyon ang sambayanan.

At sa mga kandidatong papalaring manalo, congratulations sa inyo, nawa’y mabigyan nyo ng sulusyon ang paghihirap ng sambayanan. Mabuhay kayong lahat!

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with